(cheer ng contestant sa letter A ng yakult sa roleta)
Di ko lubos maisip na that time, around grade skul ako, panay yaya ko kay Tito Jofre na pumunta sa SM North tuwing linggo. Tapos dun mismo sa entertainment plaza kami pupunta, which is ngayon ganun pa din. hehe Tuwing linggo may show sa channel 9, RPN pa nun, tawag eh Kwarta o Kahon with Pepe Pimentel...
Siyempre ang unang portion eh yun yakult roleta round na ang jackpot eh 1000 php ata pag tumama yun roleta sa request mo. Next portion yun kahon na round, which always sponsored by Advan. hehe Tapos lastly ang pinakamagulo na round, yun rubber salbabida match. haha
Di ko alam kung bakit ako naaddict nun bata ako. I mean, mas tiyagain ko yun panoorin kaysa sa Party pilipinas today, oh kahit kalaban niya si kuya germs that time, o how about APO, o eto na lang ASAP XV. hehe Pagnakikita ko kasi yun mga palabas na yun, lalo ngayon? Lipat na ko ng channel.
Pero pag kwarta o kahon, ayun hanggang 2 pm, nakatutok. hehe Ah by the way, yun show bago that, eh si manang chinese chef na di ko alam hanggang ngayon, wala ako naiintindihan pero mukhang masarap naman niluluto niya. hehe
Masaya siguro manood nun kasi una kita talaga na tuwang tuwa yun tao sumasali doon, kahit ang consolation prize eh 100 php. Pero sabagay, malaki na yun that time. hahaha Second, yun venue, makikita mo talaga na marami nanood, kahit sa taas nakatutok yun mga tao dun. Even yun mga guest nila lumalapit sa audience talaga. Saka simple lang yun show pero masaya. Di naman sobrang saya, siyempre kung saya talaga, Eat Bulaga. hehe
Lastly, magaling siyempre yun host, Pepe Pimentel na lagi nilalaglag ang biyenan. hehe Pero oo naman, one of the best host, kung compare mo siya kay Willie? Naku, malayo pa mararating ni Willie. hehe At least entertaining, saka di nambabastos saka totoo. Saka ang panalo sa kanya, maghost ng games. Lalo na sa yakult round, sa kahon portion saka eto, yun agawan ng salbabida round. Simple lang yun laro pero siya, talagang pinahirapan niya. hehe Ang gusto kasi niya, para may point yun team, dapat yun salbabida, dulo ng stage. hahaha, sobrang tawang tawa ako lalo na sa sobrang effort nun mga contestant. Ang grand prize ata nun 500 per head. hehe
Kaya ayun, ngayon ko lang naalala, tape lang pala yun. Kasi pag nagpupunta kami ni tito Jofre dun, ayun wala yun kwarta o kahon. Kain na lang sa food court o pasyal pasyal. hehe Parang day off ni inday. haha
One of my fave TV shows in my life. Kasi, I did have a reason to watch sunday afternoon show while eating lunch. Simple yet fun. Or it is one of the reasons why I'm going to SM north? hehe
Damn, I did not even watch one episode of it live..
Unlike my most favorite TV show.. hehe
No comments:
Post a Comment