"Pumapayat ka na ha." sabi ni Larry, yun paboritong kong barbero sa Kolin. hehe Mukha nga, pumayat nga ko.. Parang di pa din ako makapaniwala na pumayat na ko.. hehe Sa dami pa naman ako ginagawa sa araw araw, hay walang katapusan. Kahit na di na ko masyado dumadaan ng shop parang sobrang pagod pa din ako. Siguro sa kakaisip. Dalawa na iniisip ko ngayon, trabaho at shop. Siyempre di pa kasama dun yun ibang bagay..
Ewan ko nga kung kalbo pa din ako, pero ok lang. Naisip ko din kung magpahaba ulit ako ng buhok, kaso baka mahirapan naman ako lagi. Dati, kailangan may US size bottle ng gel ako lagi ako kasi mahirap ayusin yun buhok ko. May part naman kasi na di na tumutubo. hehe Peste.. Pero mas comfortable naman ako kung kalbo ako.
Kaya ayun.. I look tired as well. As always. hehe Don't worry, malapit na din ako maka VL! hehe Nung tinitigan ko sarili ko, parang sabi ko kahit alam ko dapat masaya ako pero parang hindi. Kita kasi sa mukha ko.
Kailangan ko maging masaya sabi agad ng sarili ko. Kailangan bumalik yun ngiti sa akin pisngi.. Pero nung naisip ko, parang mahirap ata yun. hehe Nasabi ko naman dati kung paano naman ako sasaya.
Ayoko ulitin yun kasi baka di naman mangyari di ba. Mabuti na subukan ang ibang bagay na magpapasaya sa kin.. Kagaya nito na pagpost ko dito, kahit papano nawawala yun pagod at anu pa yun iniisip ko lagi..
Nagiisip na ko ng paraan para paano pa maging masaya. Sa tingin ko eh I need to finish all the problems first before I can really do what I want. However, parang di naman matatapos yun ngayon. Masyado ata ako nagmamadali sa mga bagay na yun. Kaya ngayon, ang magandang gawin ay dahan dahan tapusin lahat..
Planuhin mabuti, kahit di ko magawa. hehe At magdasal na lang na sana tama lahat ng ginagawa ko at mahanap ko o marating ko ang gusto ko gawin. Mahalin ang ginagawa ko..
Para sa ganun, may ngiti na ulit sa kin labi. hehe
Nun pagkatapos ko magpagupit, naisip ko, nah kalbo na lang ako.. Kailangan na lang ng maayos na katawan. Di galing operasyon sabi ni Ivan. hehe
"Dami ko trabaho, kaya eto pumapayat", tugon ko kay Larry.
No comments:
Post a Comment