Friday, July 2, 2010

broken lines (collection 10)

tuwing umuulan
ako'y nasa kawalan
ng aking pangamba
ng mga problema

katahimkan para sa akin
ang malakas na hangin
ang pagtulo ng tubig
ay akin mga hilig

ako'y nagiisa
nakatulala at balisa
kung ano dapat gawin
ngayon at bukas

subalit may mga sandali
nakahilata at napapangiti
sa mga nangyari noon,
hanggang ngayon

minsan may mga pagkakataton,
ako'y biglang nakatulog,
nakapagpahinga ng walang malay,
nakapagpagaan ng aking buhay

alam ko sa ibang tao,
ang panahong ito'y salot
mula sa pagbaha, pagguho ng lupa, at kaunti lang nagagawa
samantala ako'y sa simpleng ulan ay tuwang tuwa

kahit minsan ako'y sobrang basa dahil sa ulan,
maraming beses naman sa pagkatapos ng tagumpay,
ulan ay walang humpay.

wala na ko masabi tungkol sa ulan,
kagaya ng walang katapusan tulo ng tubig
ang mahalaga ako'y panatag at puno ng ibig
tuwing umuulan..

No comments: