Friday, July 2, 2010

chismaxing while driving

of course, habang nagdridrive si pareng Dennis eh di maalis ang kantiaw at kulitan. hehe usapan sa buhay, sa kasal ni Arman kahit wala akong clue kung sino papakasalan niya, hehe at higit sa lahat, college days!!!!

Napagusapan din namin about sa toll fee na tataas sa SLEX. Habang mura pa, edi daan na sa SLEX. hehe Dapat sa MOA kami dadaan tapos coastal road kaso ayun kala niya alam ko pag galing ng makati SLEX, magallanes, deretcho na kami SLEX. hehe

Alabang exit at akalain mo mabilis ha. Linggo naman saka walang trapik. Pero mahal ng toll ha. Paano pag june 30 na? (July 1 daw), bale ang labas eh 200 from makati to alabang? Wow naman. hehe Lalo na trapik sa ibang daan, namely LP, alabang zapote road, or coastal road. Basta lahat ng shortcut maiwasan lang ang SLEX. Para ka na din nagsky way. hehe

Mabilis takbo namin kasi si Juan eh nauna na. Malamang yun mga malapit dun eh nandun na din. Pero magaling naman magdrive si pareng Dennis. hehe Well, di nga saulo yun SLEX pero pag dating sa Honda Alabang papuntang Fernwood eh alam na. Tamang tama, di ko na kailangan ng magtanong sa iba. hehe

Medyo naligaw kami sa entrance ng Fernwood, pero ok lang. Bawal pala commute dun saka nakakatakot pag gabi malamang, puro talahib eh. Saka yun daan, daang hari nga. hehe

Anyway, so ayun sinuot ni Dennis ang kanyang purple na long sleeves, JCBA loyal talaga, hehe while his wife Meryl wore a nice dress. Me? parang may interview. My reliable blue long sleeves and almost white pants.

That place is great I mean kahit may mga crack, which if that includes in the design, iba ang aura eh. Pang wedding talaga, and mukha sulit naman ang trip.

Unlike other weddings na napuntahan ko eh this one, I know maraming guest, pero mas kaunti naman dito. May silbi din yun small number of guest later. hehe

Then, we seated sa chapel at surprise nakita namin si Don Ansam and his sis Michelle, napagkamalan pa namin na mas matanda si Ansam. hehehe Tapos himala, si Juan Barroga!!! hehe Halos lahat ng reunion ng 2cpm wala siya, pero dito, naks present. hehe

Well, the others we don't know...

Siyempre, etong Dennis na to akalain mo medyo bad trip kasi habang papunta kami, ang tanong ba naman sa kanya ni Barogs before eh kung pupunta siya. That was Saturday night ata, eh malamang pupunta si Dennis. Nagpunta ng manila si Dennis para kay Arman. Ang sweet naman. hehe

Anyway, ok naman at ayun, nagsimula na. Si Dennis panay asar kay Meryl, coz in their wedding daw, wala pang tanong yun priest kay Meryl I do na daw agad. hehehe

Baka dito, si Arman naman. hahahaha

Of course, as usual, parents and sponsor walked first, then mga alipores and flowergirls, and some kids na ayaw maglakad. hehe Ah, and the couple. Etong Arman, barong daw, pero naka coat and tie. Buti nga di kami nagbarong. hehe

Arman looked a gentleman, in the back of my mind, di ko akalain na magaasawa na siya. Pero pare, congrats!!! Sana maging successful ka sa iyong bagong chapter ng iyong buhay. Malamang tapos na buhay counterstrike or bilyar days, eto na, magtayo ng pamilya. Mahirap malamang pero kaya yan. Kaw pa. Parang sa bilyar lang yan, isa isa lang ang tira ng bola. hehe Pag naubos, panalo na.

Mennen his wife, look beautiful. Damn Arman, lucky indeed. hehe Ang masasabi ko lang, yun ang example of a lady that you can proud of, bringing it to the altar and happy to say, she's my wife.

It was a simple ceremony, but maganda yun homily ng pari ha. Talagang summarize niya about marriage and putting God in your relationship. That's true of course, I mean in the end, you really need him in your lives together. Especially in times of hardships and struggles. Arguments or even happy moments.

Iniintay nga namin si Django eh. Mukhang di nakaabot, may proxy na lang. hehe However, nabasa ko sa diyaryo these past days, nasa abroad pala, may tourney. hehe

Then siyempre the most important of all yun marriage vows part, which according to Atty. Leonid, after the priest announced it's done, it's no turning back. hehe

Simple naman yun vows pero romantic kasi sa tone ng voice nila, galing talaga from their hearts that they want to be together. Arman, parang di kinabahan eh. Alam na ang gagawin. hehe Saka yun gestures niya that moment, he's damn happy. Of course on the other side naman, Mennen looks also damn happy.

Ah yes, di naman sagot agad yun dalawa even wala pa yun question. hehe

Then, while doing that, I prayed na sana they stick forever, like I always pray to other past weddings of my friends, even kay Dennis.

Quite jealous at that time, but oh well. That's love..

So, siyempre chismisan pa kami, like si Juan todo kwento, siyempre, matagal kami di nagkita. hehe

Si Don Ansam, tahimik lang and just staring the couple upfront. Si Dennis ayun picture picture..

Mass and Wedding ended, ayun the usual picture with the couple starting with the close relatives up to the friends of the couple. Ah yes, kala ko di darating yun classmates ni Arman sa BA2, meron pala. hehe

Kaunti lang din, actually mas marami pa sila. hahahaha Kaysa kami.. Naman. Until now, I don't know why they didn't come. Unless they were not informed. Or the worst part, ayun nice drawing project. hehe

Hinahanap na namin, eh malamang lalo na si Arman. Ayos. Good job!

Ah, we were able to get a pic sa couple, tapos congrats dito and there. Ewan ko kay Dennis, di pa upload yun mga pictures oh!!!

Ayun, ganda naman at sana talaga, they'll be a one big family in the future...

Simple yet lovely wedding...

I hate this next part. hehehehe

Dennis wag mo muna ipost. hehe

No comments: