One toy that really stood out nung bata ako eh ang GI Joe na laruan. Fully posable and easy to use. I like GI Joe the cartoons, but I love yun figures eh. It's more a multi purpose toy. Di lang nilalaro mo siya for that character like snake eyes' character, nilalaro ko siya for other characters. Lalo naman nun bata ako, sa sobrang dami ko napanood sa TV and my imagination flew, at dahil wala naman ibang laruan na ganun, lalo't gusto ko yun anime, eh dito ko na lang dinadaan sa GI Joe. Sa sobrang ingay ko maglaro nun, lagi ako pinagagalitan. hehe
At di lang yun, I think because of that figure eh natuto ako kumausap sa sarili ko. Kasi kinakausap ko yun figure or ginagaya ko yun dialogue sa pinanood ko. Lalo na pag action at anime, ayos na. hehe Minsan sa likod pa ko ng project 7 naglalaro ng GI Joe.. Grabe, sobrang naadik ako nun. hehe At ang lagi ko nasisira na part eh yun balakang na part. Yun kinakabitan ng goma para umikot yun figure. Sa sobrang kalikot ko eh napuputol na. Kaya yun, kuha o bili ng rubber band para maayos. hehe
Minsan, pag bored, nakakagat ko pa yun figure which I don't know why.. Bwahaha Those figures, wow.. At nalaman ko lang mahal pala yun today. Sana nagtago ako or even di ko pinagkukuha sa cabinet ni Kuya Allan yun mga yun.. Grabe, ganun ako kaaddict sa figures na yun. I tried other figures na ganun pero iba yun Gi JOE.. Tama lang yun laki at yun.. Nagagalaw mo kahit anong gusto mo. Manipulating kung baga.. At natrain yun voice ko because of that routine. Siyempre nun bata gusto mo kuhang kuha yun scene, so pati boses medyo ginagaya ko. hehe
As I grew older at ayun biglang di ko na siya ginagawa dahil na din iba na paglaki at pagtanda. I played more sa Magic Cards, and yes computer games of course. Pero etong laruan na to, dito ako siguro natuto ng how to use my imagination. Like what you saw sa commercial, isipin mo na lang si Gokou yan or shaider yan. Kahit si roadblock ang hawak ko. Hehe Ah may isa pa ko hilig na toy which was Gundam models, kaso di ko kinaya nun bata. Although I love the anime. Pero yun, nung bata ko, di ako kagaya ng ibang bata na sobrang dami ng laruan..
Ako, most of the time, 2 or 3 figures lang ang hawak ko.. Masaya na ko..
Yo Joe! hehe Damn, I miss those Duke and Snake Eyes figures.. Kahit wala na yun mga gamit nila kasama dun sa package, yun figure na lang. =)
I just thought, I was a simple weird happy child because of them.
No comments:
Post a Comment