Thursday, March 8, 2012

Globe's Fresh Lumpia

After riding a jeep, sabi ko sa Raon po ako. Ayun, baba na ko. I made a promise to myself na every week, I'll be going sa simbahan ng quiapo, Black Nazarene for prayers, blessings and others. Di pa ko deboto pero nakagawian ko na, lalo na dati, naman pag galing sa gastuhan sa supplier, humihingi na ko ng tulong sa kanya. hahaha Para mabenta lahat!

Anyway, may isang stall dun na ngayon ko na dinadaanan.. Dati pa, nun lagi kami ni Kuya Allan dito, lalo na sa deeco eh dito muna kami kumakain. 7 pesos pa isang lumpia. hehe Now, well, 16.00 isa. Pero naabutan ko yun 15 pesos pa siya! =)

Teka bago kung bakit masarap siya, eh siyempre.. Medyo ibahin natin.

Ang di ko lang gusto eh, although yun wrapper eh understandble, manipis at 16 po isa, so don't expect na makapal yun wrapper. hehe Ang di ko gusto eh yun parts dun na kulang sa sauce, namely yun unahan at likod. Kasi yun, kailangan lagyan ng sauce para magkalasa, actually bagay sa nasa ospital yun food. hehe Pero yun lang, at ako pinagtyatyagaan ko yun.

Eto na. Ang masarap eh una.. Sulit! Kasi marami yun 16 pesos, although nabibitin ako kasi sa laki ko. Pero sa iba at lalo kung merienda na, sulit yun isa ha. Tapos daanan mo na lang sa sauce at yun hot sauce. Pangalawa.. Bagay sa sarsi, pero minsan tubig lalo't pag wala pa ko naiinom that time. hehe Ewan ko kung bakit bagay siya sa Sarsi.

Pangatlo.. Yun pinakamasarap na part, talagang hanggang bukas.. Wagas ang sarap! hehe Meaning yun gitna ng lumpia. Nandun yun secret eh. Yun tamang halo nun paminta, ah, yun other spices, bawang tapos nandun sa mga gulay, tapos yun matamis na sauce? Yun na! hehe Dun ko talaga hinahalo yun matamis at hot sauce. At dun na ko mapapaisip, isa pa kaya?

Pangapat! Yes, parang di ka mabubusog sa dami, mabubusog ka sa sarap. Kahapon, kahit gusto ko pa mag pangapat, eh sabi ko. Tama na yun. hehe Busog na ko, at ok na.. Saka na lang ulit.

Panglima, walang branch. Kaya malamang kaya ko babalikan, malapit lang at alam ko naman kung saan. Bagay nga sa holy week to, ito lang ata kainin ko for that whole week? hehe Bawal naman itake out, madaling mapanis.

I never thought that everytime I'll go to quiapo eh napapadaan ako dito. Kahit mainit at kung malas malas ka eh waiting ka sa labas, ok lang.. Alam mo naman, lahat ng lumpia nila eh excellent taste, walang labis o kulang sa isang lumpia nila serve.

May isang place pa tinuro sa kin ni kuya na grabe ang serving ng chinese food, yun tipong 150 pero eto daig yun pancit canton sa sobrang dami.. Natandaan ko dati, kami lang ni kuya Allan nun dalawa, di namin kinaya, take out na namin yun natira. Gusto ko yun balikan! hehehe

After nun, pang merienda, lumpia muna...


No comments: