After a very hot day from that pest test, este test.. hehe Damn, since matagal pa ang result and they advised to wait for their response, I went home na. But before going home, eh since morning at that day, I ate well, only ensaymada at drunk some water. Then I went to that company, doing some tests. Some of it were boring, some of it were well, I enjoyed. Except for the last test, nakakangawit sa kamay..
Ayun around 1pm, I don't know where to eat sa Chino Roces, alam ko naman pwede sa jollyjeep eh naisip ko sa iba naman. Well, first came to my mind, Mang Rudy's. I known the place kasi dito ang hang out ng RAM dati. Kakilala kasi ni TL yun girlfriend ng pinsan niya, ewan, basta kakilala niya yun anak ng may-ari. hehe Siyempre, kainan siya at kilala siya sa inuman. Parang pwede itapat sa Tapsi ha ng USTe. Mura ang bucket, 7 bottles pa! Although minsan lang kami uminom.
Ang pinakamabenta dun eh ang pancit canton nila. Ok din yun pancit bihon nila, pero iba ang pancit canton nila. Grabe, mura at pang maramihan na talaga! Pang 4 na tao nga. hehe Feeling ko sa CRAP, dalawang plato kami nito. hehe
Iba eh, sa presyong 120, ang dami ng pancit canton, at take note, malaman pa! Maraming gulay at yun laman, although di yun liempo something, tenga lang, pero malutong naman. At yun sauce, hay.. Eto yun canton na kailangan ng kanin.. Grabe, kala ko yun lucky me na sobrang mura eh pang kanin although walang laman. Eto, kailangan, para sulit may kanin. hehe
That time, I thought, since I only eat here once in a while at baka eto na ang last time.. hehe Let's see if I can eat the whole order.. So punta na ko kay Mang Rudy's.. Maingay sa labas, kasi yun mga nagiinuman, at galing pa ata sa basketball game, for their company. Ayos na pang celebration, baka may shift pa sila ng gabi. hehe
Anyway, sa loob, ako lang ang tao, bawal kasi yosi sa loob.. I sat near sa cashier at tubig. hehe Tapos si ate na sobrang busy sa ayos ng order at ng mga idedeliver na beer eh tinawag ko na.
Sabi ko, paorder ng pancit canton isang order. Sabi ni ate, sir pang apat na tao. Edi sabi ko naman, ako lang, sige ok na yun! Humingi naman ako ng plato para matantsa ko. hehe
Medyo matagal yun order, since it's fresh at sa dami, understandable naman. Bale, I waited and looking those nun nasa labas, sayang saya sa inuman, kainan. By the way, di lang pancit ang binebenta nila, siyempre kumpleto sa pulutan, at ibang meals. I could opted for their rice meals na lang that time, pero well.. Iba yun pancit! hehe
At take note, dati isang stall lang sila, biglang after some months, after their opening last year lang, nirenta na din yun katabing pwesto. No wonder, eh lahat ng oras ata may punong mesa, maraming mesa dun. Lalo na pag gabi, wag pupunta na dun, puno na ang dalawang stall! Except pag kami dati, eh may reserved seats kami. hehe
Dumating na yun order, at ayun na.. Grabe, malaking order.. Puno ng gulay, yun crispy tenga, at yun canton, puno ng sauce. Yun nakadikit sa canton.. Just enough sauce.. Hay..
Damn I'm hungry, let's eat!!!!!!!!!!!!!
Yun plato pala, parang platito lang ata, medium sized. There, siyempre sa unang 3 servings eh, namnam ko yun canton tapos kaunting laman.. Inom ng tubig din. hehe Yun 4th medyo pahinga, mainit eh. hehe Pero yun pang lima at pang anim, naku, parang nafeel ko na yun high blood at umay sa canton. Parang tapped out na din. Tama pala yun ginawa ko, yun canton muna inubos ko, kasi pag sinama ko yun mga laman.. Malamang, di ko mauubos to..
Gusto ko pa sana umorder ng isang rice kasi yun laman pwede iulam. Kaso grabe, di ko na kinaya, pinapak ko na lang yun mga gulay at laman.. Dapat may catapres na ko.. hehe
I did not say it's a perfect food, may flaws din. Gaya ng yes, medyo oily siya. Makikita mo yun sa paggisa nila at yun sa sauce. Deadly tong food sa blood. hehe At yes, yun tenga, sa kin nangyari to, di ko makagat yun ibang pieces. Tosta siya pero di malambot. Unlike yun dating mga order namin.. Pero yun lang naman. Saka yes, wag lagi ito ang order, kasi mauumay. Kagaya nung nangyari sa kin, tama na ang isang beses na order for the week or for a long time.
Anyway, after some glasses of water and breathing excercises eh..
Natapos ko na yun food. Thank God, naubos ko!!! Bwahahaha
Sabi ko, tama na.. Next time na lang ulit..
Yes, mura, 120 solb na solb.. At as usual, next day na lang ako kakain. hehehe
I left that place satisfied even when I went home, I failed that business writing test.
But I said to myself, one day I'll come back not only to pass that tiring test..
Eat again kina Mang Rudy's, at order ng pancit canton! Dapat may kasama na ko. hehe
Once was enough..
No comments:
Post a Comment