Friday, July 13, 2012

Alamat ng Amats!

pangalawang alamat: 2-CPM


At ang pagiging may amats lagi ay di natapos. Natuloy dahil di lang sa min nila 2pel, kundi, sa 2cpm!

Kung mga kaklase mo naman, eh una kagaya ni Jimar. Grabe, kahit di malakas sa beer, eh sa gin bulag naman malakas.. Kahit ako, di ko kakayanin yun eh. hehe Talagang tomahan ito. Si Marlon din na basta di lang bilyar at counter sumasama.. Mas lalo sumasama dati sa inuman! hehe JR pa na kahit mahina sa inuman, aba parang tumatagal at malakas din ang patawa at trip. hehe

Eh sila Juan at Ansam din, although di naman sila malakas, eh nakikisama din.. Wag kalimutan, aba.. Ang 4 pinakamalakas uminom sa 2CPM dati! Una na si Orn, na kahit kagaya ko eh palaging nagkakalat. hehe Di naman umaantras sa inuman, at magaling magtimpla, lalo na sa Gin.. Grabe, swabe naman maghalo except, ehem.. Sa pure powder guyabano at gin.. Grabe, tama na ang isang shot! =)

Si pareng Arman, tahimik pero pag humirit sa inuman.. Aba hanggang pag graduate, lakas uminom.. Sanay na eh.. Parang yun galing niya sa basketball, anak ng tokwa.. Swabe eh, kondisyon lagi.. Lalong lumakas nung 3-4th year, aba, halos araw araw nakikita ko umiinom kasama ng mga barkada niya sa BA2... Pero nung 2cpm, may talent na.

Pareng Dennis, grabe, kahit di masyado nagsasalita, aba grabe naman uminom.. Naalala ko pa dati, nung malapit pa sa UST nakatira, panay yaya din ng inom.. Lalo na sa bahay nila dati dito sa Mayon, grabe Pale Pilesen lagi at papaitan lang!!! Nganga!!! hehe Hay.. Talagang ako nagkalat pa nga sa kanila.. Iba din to, matagal na inuman talaga ang labanan!

At siyempre, ika nga nila.. Kahit si Dennis eh napabilib.. Noni, ang pinakamalakas uminom sa 2CPM.. Kaw na pre!!!! hehe

Kahit san inuman, mapa sa Marikina, kina JP, Dennis o kahit Batangas.. Lalo na nung birthday ko dati.. Aba, walang atrasan, walang katapusan na inuman.. Grabe, lahat nagsuka at may amats na nung birthday ko, siya, gusto pa uminom! hehe Isang institusyon to si Noni.. =) Kaya idol ng 2cpm.. Eh sa Batangas lang, siya lang tumagal nung Gin at Guyabano portion na eh.. hehe

Of course, di naman nagpahuli yun ibang kaklase namin, especially the girls.. Sa Batangas at yun huling inom kina JP, ayun, umiinom pala sila.. hehe Anyway, dahil naman dito eh naenhance ang inom ko dati.

Ngayon eh mga bagong buhay na ata. Lalo na si Noni, naging faithful ha.. Orn got married recently. Dennis ayun happily married, pero umiinom pa din, kaso 2 bottles lang. Kahit sila Ansam or iba.. Ayun, di na hayok kagaya dati na..

Pagpatak ng 7pm, san ang inuman? hehehe

No comments: