Monday, November 19, 2012

Almost Gone: Post Office


Pumupunta lang ko dito pagkukuha ng Cedula, kasi pwede sa min. At yun postal ID kung pwede in the future. But for packages and snail mail? Di na.. 

Sad to say, wala na ko nakikitang mamang Kartero naglalakad sa araw para magdala ng sulat. Nakakita ako once pero di na yun kagaya dati. Lalo na nung bata ako, may nagiikot lagi sa min.

Due to the advent of mobile phones, smartphones, SMS, internet lalo ang email..  How about remittances? Eh PT&T tapos LBC eh dati may nagdedeliver sa bahay. Ngayon, punta ka na lang sa center tapos kunin mo pera or simply funds transfer na lang sa internet. Text mo ng SMS imbes na telegram, morse code or well kung nagpager ka pa. hehe Courier services like FedEx, UPS, DHL and kahit LBC eh natabunan na talaga yun post offices, not only here but around the world na siguro. 

Last time ako pumunta sa Post office to get something eh kasama ko pa si Ron Marc at para pa sa piyesa ng Magic. hehe But anyway, yeah.. Naaawa lang ako sa situation ng Post Offices, even in the US, they were a lot of cut backs done just to reduce the expenses of the post offices. 

I watched an episode sa news tv, may ibang lugar pa pala sa bansa ang gumagamit pa talaga ng post office. Yun napanood ko, imbes na sms, eh nag telegrama pa. hehe Very  old school. 

Hmmmm I did send snail mail pero di na sa Post office, kasi naman kung di lang sa mabagal eh masama pa mawala yun mga padala mo. Or worse, tinago pa o ninakaw pa! Ayos di ba. Pero mukhang maayos naman sila ngayon, after some cutbacks eh kaunti lang ang tao sa post office pero umaandar pa din. Its sad na dati sobra ang pila sa post office kasi lahat magpapadala ng sulat. Tapos yun feeling na fulfilled mareceive yun sulat mo after a long walk or how many ships o dinaanan na islands just to send the letter. 

Well, those days were gone. For now, as technology grows faster and other means of transporting are getting faster din, eh one day, di na post office ang dating yan. Place for your PO Boxes perhaps. May gumagamit pa ba ng PO Box sa tin? hehe For business yun malamang. Kahit sa abroad, may PO Box pa. Sa atin lalo na personally parang wala kumukuha nun. Siguro di lang alam ng tao may ganun. Hehe

Or may cellphone naman, ok na yun. 

I hope di mawala ang Post office, kasi what if every technology falls tapos back to manual tayo!

Edi kailangan ng post office for your communication needs. =)  Not only the government should take the action na maitain yun post offices. Dapat tayo din, kahit bisitahin siguro ang post office ok lang o kahit paminsan minsan padala ka kahit isang sulat lang para maramdaman nila na may silbi pa ang opisina nila. 

Kasi sayang naman kung di natin gagamitin ang isang paraan ng komunikasyon na kinagisnan natin. Sabagay, kahit sobrang advance na lahat ng means of delivery than post office eh well, wag na natin hintayin na kumonti o mawala na sa bayan ang post office .Kaya yun, sana lang tuloy tuloy pa din ang kanilang operations even it these fast paced times where our planet becomes a smaller place.

Post offices are a must,kasi dahil sa kanila.. May huling paraan pa para mapadala ang mensahe mo sa iyong minamahal.. Kahit san ka man o kahit anong oras pa.. 

No comments: