Tuesday, December 30, 2014

Flare 3

I eat my words, sa huli, bibili din pala ako ng Cherry Mobile. Bwahaha Hmmm this they should be doing for a long time, a phone na masasabi na sulit! 4000 lang eh ewan ko pa pagdi ka pa nacontento.

In 4000, 1.3 ghz quad core mediatek, 1GB ram tapos 8GB na internal storage pero expandable. 5 inch na may gorilla glass kasi iba yun finish ng harap, I don’t know. Hehe 3mpeg na front camera pero 8mpeg sa likod at kitkat pa na OS! Why this? Siyempre tinanong ko si Kuya kung itong model na to stable, sabi niya oo kasi wala pa daw nagpapaayos sa kanya kahit marami na siya nabenta ganito. Aba totoo nga! Hahaha

At least, tanggal yun worry ko pumila sa mahabang pila ng service center sa SM. Pero mabuti may service center na din dito malapit sa min. haha Well, siyempre may drawbacks ang phone na to, as expected sa 4K. Una eh yun sounds, pag todo ang volume, tunog lata na. hahaha Namiss ko tuloy yun THL ko kahit maliit ng kaunti, eh ayos naman ang sounds. Isa pa, sobrang sensitive, I mean, di ko alam kung napipindot yun phone pag nasa bulsa ko siya. Kahit si Ate nagigising na kaya kailangan ingat sa gamit nito, be sure nakalock talaga ang phone. UI! Kahit Kitkat eh wala naman ako paki pero crappy ang interface nito. Ok pa yun THL ko kahit jelly bean and panalo ang UI niya. Be sure download agad ng launcher!

The best at sulit dito sa phone eh yun 5inch screen na IPS ata. Whatever, basta pagnanood ako dito ng youtube o kahit sa dramago.com, ganda talaga. Great! Sulit ang angles and viewing experience, better. Not best pero great sa sulit niya. Although naghang pero depende kasi sa file na pinapanood mo, kaya niya yun malaki pero naghang pa rewind or forward. Masarap din dito magbasa o masulat sa word kasi sa screen. Mas madali sa kin magtype ng message kasi sa laki. Dapat talaga sa kin 5 inches.haha Second, suprisingly durability, virtually matibay siya lalo ilan beses ko na din nabagsak at naghang pero most of the time, stable at steady ang takbo. Batt life niya medyo matagal ha, more than a day pag todo mo ginamit, 2 days pag standby lang. Yun OS ok naman lalo na pag may launcher ka download. As usual, android lover so no problem with this one. Ayos din siya, despite 5 inches, mas manipis siya kaysa dun sa THL ko dati despite 4.5 inches siya. Hehe Lastly, what’s more? 4K lang, ewan ko pa pag nareklamo ka pa. hahaha Pagnawala, edi wala lang. hahaha Basta ako may back up na, natuto na ko. Kaya kampante na ko. Mawala ito or wag naman sana manakaw, eh ok lang.

May better model pa to flare S3, maganda yun front camera na 5mpeg with flash pero hirap maghanap. Haha Ok na ko dito sa flare 3. Sa sobrang ok, tuwang tuwa si Gerro! Ni di nga ko ginugulo ngayon. Naddict na. haha

With this sulit model, will I buy more Cherry lalo na sa high end nila in the future?

Siyempre, hindi!


No comments: