(A Union of Seven and Sixes)
It’s a long explanation kung bakit ganun ang title ng kasal ni Igz,
according to their invitation. Hehe But anyhow naintindihan ko lang eh July 6th
ang birthday nila. Tama nga naman, seventh month of the year, 6th of
July. Hmmmm
Oh, yun na nga, imbes na 4:00 pm kami nakaalis eh etong si Rheg
mukhang may sabit pa ang suit niya. So, I need to wait more and of course si
Doc. Basta that time, maghintay na lang kaysa kulitin pa si Doc. Hehe Naisip ko
kung iwan na lang kaya namin si Rheg tapos sunod na lang siya sa Sabado.
Hahahaha
Anyway, well, naghintay na lang kami ni Doc at mabuti naman naayos na
yun gusot ni Rheg about his suit. Kahit 5pm na kami umalis eh ok na yun kaysa
iwan si Rheg. Hahaha Papunta naman ng Tagaytay eh medyo madali, kaunti trapik
sa Osmeña Highway tapos deretcho na. Di ko matandaan when ang huli punta ko
dito, pero parang mashock ako mamaya pag nalaman ko na. hehe Malamig pa din at
grabe, dami na talagang tinayo na lugar dito.
Nahirapan kami hanapin yun Inn na tutulugan namin. Muntikan pa kami
mapuntang Cavite kung di kami tinawagan nung contact naming sa Inn. Hehe 3
hours later, nasa Inn na kami.
Sobrang lamig, at sana nagdala kami ng jacket. I mean ako pala.
Maganda yun Inn, lalo na sa price na pang 6 na tao for one night? Not bad. Of
course, after a long journey, at di naman kami kumain masyado on the way,
malamang kakain na kami. Gutom na kami. Haha
So, as suggested ni Doc eh doon sa dati namin kinainan. Yun bulalohan
na kinain namin nung nasa HSBC pa ko. After shift noon, nag road trip kami ng
Tagaytay tapos yun bagsak namin. May isang resto na puro hut at maganda sa view
ng Tagaytay, malamig pa at masarap ang bulalo! Hahaha
Well habang hinahanap namin yun, aba, ano ano ang mayroon dito. Madaming
hotel, may condo na SMDC, starbucks na di lang isa at higit sa lahat, Skyranch
with the big ferris wheel. Maraming pa din tao kahit gabi na! Well, we don’t have
time na mamasyal that time. Maybe next time perhaps. Kala ko nawawala kami pero
magaling si Doc, aba narating namin yun resto.
Wow! Sa labas pa lang, eto yun dati namin kinainan nung nasa HSBC pa
ko. Pero naglevel up na. hahaha Natandaan ko yun ang resto kasi yun sa gitna
parang kubo style tapos pag pasok mo eh yun mga dwaves na figures with Snow
white eh nasa hagdanan pa din. Pero yun baba, di na puro kubo, parang
building/resto type na! Aba matindi! Hehe Pag akyat namin, eh yun waiter, todo
gara ha. Naisip ko dati, parang di naman ganun. Yun mga waiter eh simple tshirt
and pants. Now, wow, waiter ang suit. Hehe Eto ang nakakaloko, aba dati, kahit
saan kahit yun malapit dun sa view ng tagaytay na kubo pwede umupo.. Pero
ngayon, aba akalain mo may price na kailangan gastusin bago ka makaupo sa gusto
mong view. Yun maganda view, grabe, 2500 kailangan mo iorder! Haha Yun pwesto
namin 1250 lang, carry naman, 5 kami. Kahit yun loob nagbago, maliwanag at
maayos, at may malaking menu na sila. Di na lang, bulalo lang ang order. Hehe
May iba’t iba klaseng bulalo at iba pang order, which gaya ng krispy pata at
iba pang ulam.
Well, kailangan naming umorder ng aabot sa 1250, so mabuti si Tin eh
naisip agad kung ano iorder, so ayun na. Special Bulalo tapos crispy pata, one
plate ng rice, tawilis at coke. Si Rheg di makapaniwala na well, Green ATS na
pala ang name ng resto na ito at medyo class na. Akalain mo, after 8 years,
medyo high end na dating nila. Hehe
Dumating na yun fuds at masarap yun bulalo! Sulitin na to. Hahaha
Bihira na ko kumain pa at what’s more sa malamig na Tagaytay! Kaya sulit! Yun
crispy pata, di nga lang cripy. Hahaha Nalamigan siguro dahil sa weather. But,
overall sulit naman binayad namin, at dagdag pa yun view na san kami kumain.
Mabalikan nga sa susunod! Hehe
Hanggang sa pag alis naming sa resto, si Rheg eh di pa din
makapaniwala. Kahit kami naman ata. Hahaha
Pagbalik namin sa Inn, ako eh nahiga na. Sarap matulog sa ganun eh.
Hehe Si Rheg at Khaye aba eh kwentuhan pa din, si Doc at Tin, ehem, preparing
for their near wedding! Hahaha Toxic sila. Makikita mo talaga.
Surprisingly, I fell asleep and yeah, woke up early!!!!
Ahhhh, masarap ang may water heater sa banyo! Hehe Call time ata sa
hotel was round 7am para daw sa pic with Igz. So kaming boys eh kailangan
magayos ng maaga at pumunta na sa Hotel Kimberly. Ah yes, dun ang reception ni
Igz.
Of course, medyo ligaw kami pero thanks sa google maps at kaunting
tanong sa locals eh nakarating kami maayos. Pagbaba namin ng kotse at papunta
sa entrance ng hotel, aba eto si Igz sakto start na pictorial pero mukhang
galit. Hahaha Parang intro sa WWE. Hehe Wala naman siyang kaaway. He should be happy
or maybe the happiest person in the world that day. =)
Well, habang hinihintay namin matapos yun solo pictorials niya, marami
na palang guests na nandun, kasama sa entourage. I’m just looking around sa
hotel at not bad for hotel located in a residential area ha. Yun laki niya di
naman kakalula pero fresh tignan, maybe it’s just yun area na di nakalibot sa
malalaking buildings unlike here.
So, kaya pala kami invite ni Igz na maaga, aba magpicture pala kami
with him para sa AVP. Ang shot daw eh nagkakatuwaan kaming apat tapos kulitin
daw si Igz. Edi batukan natin. Hahahaha Sorry Igz.. It went well naman.
After that, balik kami ng Inn tapos sinundo namin yun girls and went
off sa Lourdes Church. Yes, Lourdes Church sa tagaytay na first time ko makikita
at makapagsimba despite, well Lourdesian ako here. Hahaha Maganda pala ang
church ng Lourdes sa Tagaytay! Bigger than here and maganda sa umaga. Parang
fresh ang feeling pagnagsimba dito. I don’t know, that’s my view of it. Pero
naisip ko parang sa dami ng marriage bans nakalagay dito, dami nga talaga
nagpapakasal because of that fresh feeling. Kahit malayo pa to, malamang ito
din isa sa mga pipiliin ko lugar para ikasal. Haha
After some preparations, eh eto na nagstart na yun kasal. Sa sobrang
excited ni Igz, nasa half pa lang ng aisle si Shayne, aba sinundo na! hahaha Oh
first time, akalain mo nasa entourage na ko! After a number of weddings na
napunta ko, aba kasama na talaga ako sa entourage. Hehe Bible bearer pa.
The wedding started and of course, mass na din, as usual, it is long
yet well, lovely. Just staring the couple fronting the altar. Both excited,
both in love in front of all. =) Love is indeed a many splendid thing. Of
course, may mga fun and lovely parts naman sa wedding.
First of all, of course yun speech ni Igz na hanggang ngayon or even
after the AVP, he needs it with subtitles. Hehe Pero that shows how honest and
sincere feeling he has for Shayne with love. Aiyee!!! Hahahaha Another one,
bago lumakad si Igz, aba grabe mangasar si Rheg kay Igz, ikakasal na nga, may
inalaglag pa. hahaha Isa pa, eh well, yun ring vows eh another moment ni Igz,
pero more understable at siyempre si Shayne, lovely din yun mga sinabi niya.
It’s weird and funny kasi maganda naman ang sinabi ni Shayne, very lovely and
sincere at makikita mo yun Joy and Love. Kay Igz, tears of Joy and Love. Ang
sweet nila.. Siyempre, don’t forget yun last part, they kissed together! =)
After all yun pictures and yun flying balloons part eh deretcho na
siyempre sa favorite kong part, reception!!!! Eat na to! Hahaha Siyempre, alam
na naming ang shortcut at di na kami maliligaw. Hahaha Pag gutom eh siyempre
palalampasin pa namin to. Hehe
Reception is great, the place itself looks grand at di naman crowded
although marami pa din ang approx. of 150 guest pero di naman dikitan. Sandali
lang ang delay before magstart ang program, at yun na. Start na ng program
hosted by two of Igz’s friends. Good MC’s by the way.. As usual, the wedding
reception routine, cut the cake, drinking of wine, well walang dove flying but…
Yun part na pinalipad ang butterfly is kinda sweet and yun speech ni Igz dun
nakakatouch kasi of course as close friends, dami nila pinagdaanan and as much
they want to invite all the special people, they can’t come sa very special
occasion na ito. Very well thought speech..
Anyway, siyempre, bago kumain picture muna with the lovely couple!
Tapos, kainan na!!! Yahoo!!! Wala na diet diet! Hehe Sira na diet ko nito. Ang
sarap lahat, well, except for some desserts, pero yun mga dishes, panalo!! From
pasta, rice, yun beef dish, tapos may kaunting seafood, actually natikman ko
lahat kasama pa yun lechon. Hahaha At least, dito, crispy yun lechon. Nakakatawa
pa eh nandun pa yun isang batch naming from HS si Mark, nagkwentuhan kami about
ano ginagawa niya and well, living in the south. Maganda yun suggestion niya
ha. Hahaha
Of course, di mawawala ang hate kong part, singles game. Hahaha The
only way I could get out of those games, well I should get married as well.
Hahaha Simple lang yun game, but anyway, despite such result eh ok lang yun,
darn I just want to end and go home and rest. =) Sakto eh habang patapos yun
program, nakapagpicture pa kami sa booth and maganda yun mga kuha.. Sana may
kopya nga ko! Hehe Kaso until now, tinamad na ko kumuha ng copy.
Nakapagpaalam na kami with the lovely couple and went home.. A big
sigh in our end. Tapos na at what important is, Iggie is now happily married with
Shayne. Sabi nga ni Rheg, sabi ni Igz before, simple lang yun wedding at di
magiging mahirap for guests to visit or witness the wedding. Well, time’s
change and priorities change. Hahaha Despite the difficulties we need to face, or
even some sacrifices eh worth it naman, especially Igz is like a brother to us,
a very close brother to us. Yun lang sakripisyo niya to prepare a place for us
in bad times and good times, eh lagi siya available. Hahaha Kahit walang handa,
basta yun lugar niya available, ok lang sa kanila tambay. Tapos don’t forget
the infinite times he’ll drive for us, especially in get together ng CRAP, siya
gumagawa at dagdag mo pa yun times na he gives effort to help us, lalo na in
dire times. Hahaha At don’t forget, times he needs to cook great food to us,
even with less preparations! Hehe Oh kahit advise lang na pupunta kami, iisip
na yan na iluluto. Haha
Marami pang beses na nagawa si Igz for us, of course di naman siya
perfect, I mean he has own weaknesses or faults pero that’s understandable.
Important is, he’s done a lot for us and there will be no P in CRAP right? =)
At least di na siya architect! Hahaha
Yun advise ko for the couple? Well, nasa card na pinafill out nila sa
amin. Hahaha For Igz and Shayne, I know you heard all kinds of messages sa
wedding kaya I’ll make this simple as it is.
Just like the butterflies we saw, fly together with love! =)
After that, ayun, we went back sa inn fast at nagbiyahe na kami agad.
Well, it’s December at ayun, traffic! Lalo na sa pesteng Sta. Rosa at SLEX.
Peste talaga. Hahaha Napakain pa kami pauwi. Pero thanks to Doc, Tin, Rheg at
Khaye, this journey together went smoothly despite some odds. =)
3 days later, another ceremony of eternal love awaits!
No comments:
Post a Comment