(Our Love Story Unfolds..)
No special title nakalagay sa invitation nila. Siyempre, as December 16 approaches,
I don’t know what to expect. Well, alam mo naman siyempre how the wedding
works. Church then reception plus some programs and a lot of photos. Of course,
iba yun kay Igz at yun ibang wedding na napuntahan ko. Nafeel ko parang umay na
ko. Hahaha Maybe, I should take my turn. =)
However, si Doc muna at eto pa naka
abang si Rheg sa Feb. Mabuti February si Rheg, talagang masasawa na ko sa kasal
pag sumabay pa siya ng December. Hehe I frankly asked Doc kung bakit sa dami ng
date sa December eh sa 16 pa. Sabi niya anniv daw kasi nila ni Tin. Sabagay,
madaling tandaan pag tagal. Hehe
Monday night wala naman ako special
na ginawa, I did was sleep early kasi alam mo naman si Doc, bawal malate sa
call time na set niya. Mahirap na. hahaha Tuesday morning, everything is set at
hinihintay ko na lang si Igz. Himala si Rheg di pa late or maarte, kasi si Doc
na ikakasal, mahirap na madelay o malate, alam niya kasi mangyayari. Yari siya.
Hahaha Igz and Shayne are available, then Khaye, later na makasabay sa church
na kasi sa umaga may event ang company niya.
We went sa Sulo hotel in QC. At last,
a wedding that so near at my place. A first! Hahaha Ah, ayun na, mabuti pala eh
ayos ang coat ko, at may libreng tie pa pala bigay si Doc. Pink color pala ha.
Surprisingly, naiwan ko naman ang invitation. Bwiset. Hahaha Pero mabuti na
lang entourage ako. So, another surprise na marunong na ko magtali ng tie. Di nga
lang perfect triangle pero tama naman. Aba ako agad nag tie sa Groom. Hahaha At
kay Sir Rheg, si Igz ok na.
Si Doc relax lang pero medyo stress
kasi naman, naiwan yun susuotin niya sa kasal! Di pa kami makapagpicture
because of the delay, pero chill pa din si Doc. Kami naman, kwentuhan kasama
yun ibang friends ni Doc. Sa baba pala ng hotel yun ladies entourage although
di naman namin nakita until sa church. After some hour, dumating na at last ang
damit ni Doc at kita naman kay Doc ang excitement and well, happiness. Never
had an anxious moment, ah meron pala later.
Aba, bilis magbihis ni Doc at ayun
na, simula na ng mga picture at kaunting presentation. May “game over” post pa
nalalaman to si Doc ha. Hahaha Geez.. Then pinahirapan namin si Doc na entrance
vid niya, pinatalo namin siya eh. Hehe Pero game naman si Doc. At ang
nakakatawa sa lahat, aba may shot pa kailangan gawin. Black Label miniature pa!
Mukhang masisira na ang 2 taong di umiinom. Hahaha Well, may posing kuno at
nung game na at binuksan yun black label, amoy pa lang alam kong malakas to at
di ko kaya. Hahaha Dumaan lang sa dila ko, ok na. Pero lintek si Doc, inubos!
Hahaha Siya na mismo nagsabi kahit di ishot ok lang, aba siya pala uubos!
Hahaha Kahit may coke na kasama, di na! May survival kit pa pala
bigay si Doc, mineral water at maraming matamis. Makakain din yan. Haha
Dumeretcho na kami sa church, sa may
St. Joseph ata sa greenhills, parang napuntahan ko na siya na wedding din pero
nakalimutan ko lang kanino. Anyway, ayun, sa galing magdrive ni Igz, nauna kami
sa place at kami pa tinanong ni Doc saan ang daan namin. Grabe naman kasi sa
EDSA, basta EDSA hanggang Pasay ata ang trapik that time! Diyos miyo. Hahaha
Pero grabe ang trapik, yun mga shortcut dinaanan namin, ganun din, paano greenhills,
pag December, no choice kung hindi mag tiis sa lintek na traffic.
Dagdag mo pa ang ulan pero
paambon-ambon lang naman at may surprise guest pa na si Corps Commander, este
JC pala. Hahaha Akalain mo bibisita lang siya sa wedding, naging ring bearer
pa! hahaha Para kasi magoopera pa din so malabo makarating on time, si JC bigla
kinuha. No choice siya. Haha
Dumating sila Doc and other guests
kasi iba dinaanan nila at nung malapit na magstart yun wedding. Mukhang di
nagiging calm si Doc, aba kailangan na namin pakalmahin ng kaunti si Doc. Paano
yun convoy ni Tin eh sa EDSA ata dumaan. Hahaha Kaya ayun, sobrang traffic.
Nagiinit na si Doc nung nasa aisle na siya and most of the entourage. Sabi
naman, darating din yan Doc! Ano ka ba. Hehe
Few minutes later, may signal na yun
coordinator na pwede na magstart. Despite, well yun iba nasa entourage eh
natrapik, we proceed. Eto, sa tagal namin friend si Doc eh ngayon ko lang
nakita na buong araw eh naka ngiti siya ha! Kahit stress or medyo confusing,
aba kalmado lang at relax. This is indeed the happiest day of his life! Si Tin
eh pag lakad ng aisle, teary eyed na. hehe Pero wala na din yun stress from the
past days and now, blooming! Wow. Hehe Then, the wedding started. As usual same
routine but this time different! Aba, after ng Gospel, deretcho vows na! Feel
the rush ata si Father.
Pero, sa dating ng vows, si Doc eh
talagang sundalo, always ready. May speech na inahanda at higit sa lahat,
composed. Hahaha Very lovely at creative ha. Swak si Doc! Si Tin, as all the
time na kasama namin eh mas matapang kay Doc minsan. Hahaha Dito, wow, lady ang
dating and yeah, cried for joy as she is giving her lovely speech! Good job for
both of them. Si Doc, abot tenga yun ngiti eh. Hahaha
Dahil sa sobrang bilis ng ceremony eh
pati kami nagulat at pagkapicture with the group sa church, nauna na kami.
Nakalimutan pa pala namin yun picture taking sa labas! Hahaha Kaya tumawag pa
si Doc at hinanap kung nasan kami. Si JC, ayun kahit yayain namin siya sa
kainan eh may pupuntahan pa daw na party sa office niya kaya di nakasabay. =(
Anyway, papunta sa Gazebo Royal was a
lot easier, siyempre ibang daan pinuntahan namin and of course, una na naman
kami! Hahaha
Sa sobrang una kami at atat, ginugulo
yun starbucks booth kasi nakakuha kami ng libre frappe! Unfortunately, 3 lang
sa min meron, yun dalawang kasama namin, others. Hahaha Pero bumawi
naman sa crackers at sweets na nakahanda agad para di mainip ang bisita. Ok yun
gimik na yun ha. Hehe
Well, dahil medyo matagal pa ang
bagong kasal, ano ano na pinaguusapan namin on top pa sa mga booths available.
One sad thing, that photo booth failed! =( Natawa na lang kami kung ilan beses
kami nagpapicture, waley naman. Hahaha
Other than that, ok naman, service is
great despite, ehem, around 270 guests! Second largest number of guests
napuntahan ko in a wedding. Great thing, unang table kami. Bwahaha Well, after
ilang plato na biscuits at ilan baso ng tea ininom namin, aba sa wakas, nandito
na ang newly wed couple!
Of course, as usual, the routine
except no doves pero kakatuwa yun first dance ha. Parang si Doc di naman dancer
nung HS/college ha, biglang napasayaw na sa wedding?! Hahaha Si Tin effort din
kaso iba ata nagpractice si Doc. Of course, don’t forget the speeches ng
respective families at guests, kahit si Igz eh napasalita. Hahaha Mabuti di si
Rheg. Hahaha
Then, always, the last part… Eto eh
paghipan ng lobo, grabe, nanghina ako tapos ayun, mabuti mabilis yun laro at
wala na. haha Talo talaga. Ok lang, eh di talaga ako pang singles game. Pero di
ibig sabihin puro talo ako. Nanalo na ko isang beses dun sa singles game, dun
pa kay Arman ata na wedding niya, kaso di ako makadiskarte, nakabantay ang
parents ng girl. HS pa ata eh. Hahaha Anyway…
Ah, wag siyempre kalimutan ang
fuds!!! Masarap ang fish fillet at yun inihaw na angus beef! Bwisit, di na ko
nakabalik. Hahaha Di nga ko umabot sa dessert. Nakakatawa nga, yun waiter
nagaalok ng fundador, tumatanda na talaga tayo. Hahaha Tapos in the end, heart
warming message ng couple and thankful to make the event happen fruitfully.
Noong nakita ko mga ninong, mukhang mga general, eh medyo ingat na. Mahirap na
masemento. Hehe
It was a fast and fun wedding. Fast
kasi from the wedding sa church hanggang sa program, eh dami nangyari yet not
really dragging. Nagulat nga kami, yun time na pauwi na kami, aba nauna natapos
yun wedding. Haha
We went home safely and easily kasi
madali lang naman ang traffic.
Hay, how fast the time flies na
kasama kay Doc. Dati nagaaral lang ng Med tapos yun pumasa siya and nag
practice na, aba di siya nagbago. Sa CRAP, siya yun pinakasimple. Although they
might not agree but I still feel he is simple and humble. Naks. At palatawa.
Hahaha I mean, from the times na sa grupo na kailangan niya ng tulong, hanggang
sa times na kami na humihingi ng tulong at may times pa na siya pa magooffer ng
tulong eh iba na talagang to Doc. Kaya dapat talaga, I mean that’s the reason
why na tumagal sila ni Tin, siya na mismo magbibigay. =)
Pero siyempre kailangan pa niya
magimprove sa ibang bagay, lalo na sa pagpapasaya ha. Hehe Saka we hope he’ll
find the best speciality. Eh medyo alat ata siya pero with the support ni Tin
eh makakamtan di lang yun gusto niya, naku para yan sa kanila ni Tin. For Tin,
just continue have faith kay Doc, siyempre love, di naman mawawala yun at hope
na lagi binibigay ni Doc. Parang DOTA lang yan, di pa tapos ang laban pag sira
na ang world tree! Hahaha
At most of all, both of you should
well, learn to give way for each other. That’s the reason why they lasted for 8
long years! I know sa marriage, malaking key yan and they will need more being
level or humble for each other. =)
For both of you, your love will bring
you to the Moon and back…
I don’t know what that means. Hehe
Well, next is the R sa CRAP, sa Feb
pa naman. Hay mabuti naman. Hahahaha Wag kaya ako pumunta, alam ko naman
mangyayari, yun vows at yun pagiging John Lloyd na hayop na to este ng best
friend kong to. Hehe
Everytime I stare those couples at
the altar, or seeing them dance or just drinking wine together.. I felt mixed
emotions. Jealous of course but when I think my situation.. Wala na inggit.
Hehe Very happy as I can see them full of love and grace. Kung baga, like the
other weddings na napuntahan ko, they can survive whatever trials or struggles
they’ll face. It’s like once you have each other, it’s a good start to move
forward.
It’s sad na siyempre, a lot times na
di naman pwede lagi kami magkasama na, or less frequent those days of playing
DOTA, or get together sa bahay na kaming apat lang or kahit going out, unless
they want to. I bet that will happen less. Kaya naman masasabi ko
time well spent nung mga days or events na magkakasama kaming apat. Haha
Although may mga bagay or places na di pa namin napupuntahan kaming apat eh
mangyayari pa din, yun nga lang may mga ehem.. Guwardiya Sibil. Hehe Unless
they trust us. Hahaha
See, how mixed my emotions are? More
time for me to be alone or go to my other close circle of friends. Damn, I’m
lucky to have a lot of friends. But CRAP is unreplacable, irrevocable and most
of all, unseparable. =) Come to think of it, what the hell we became close?
Hahaha
Love for me, quite elusive. Indeed, I
tried to search one these past years. Kung di naman pwede, inaalat naman. Busy,
or worse nawala pa. Darn.. Hay, but they thought it’s always my “standards”..
Nah, these past years, preference na lang. hahaha More balance with to think
and to feel love. Siguro I don’t believe in love at first sight. That was
proven after someone refers to me. Hehe Saka these past years, priorities and
goals change but siyempre di naman dapat mawala yun ang pagkaroon ng sarili
kong pamilya. It’s one of my dreams… Kahit tumanda na yun mga pamangkin ko.
Hahaha I’ll have my own family and yes, girlfriend muna. Chill lang. =)
I believe love should not only
involves attraction but also evolution for both you. Whatever you want to grow
between both of you is up to decide.
Importante naman pagtagal eh kung
nararamdaman mo na pag yun kabiyak mo na nagpapaligaya sayo kahit sa maliit na
bagay o sa simpleng bagay na may pagmamahal, yun na ang oras na magisip na mag
asawa. Tama nga na pag aasawa eh di lang sarap, kung hindi maraming hirap pero
ang importante ang masaya eh paano niyo nalalagpasan ang hirap tungo ginahawa.
Madaling sabihin, mahirap gawin..
Kaya ako, siguro I’ll enjoy being
single the best I can then at the same time, find someone again who will simply
love me as I am. Always.
Actually, I already have a dream
wedding.. Naisip ko na, kaso that will change if my future wife has other
plans. Darn. Hahaha
I just want a scene, walking in a
long winding road, holding her hand, and never let go.
Forever.. Ever.
No comments:
Post a Comment