Hmmmm kung anak ako ng politiko.. Siguro.. Kung talagang baliw ako o masama, tatayo ako ng private army. Get the most number of guns, kung baga armory na. hahaha Siyempre para maprotektahan sarili. Tapos kung nasa province pa yun teritoryo niyo, aba medyo matapang ka dapat. Takutin yun mga kalaban o mag siga na para matinag sila.
Mabuti pa kung may pinagkukunan yun lalawigan na pagkakitaan, like quarrying, or palayan or sakahan, siyempre pwede ka pa kickback na malaki tapos bili bili na lang din mga lupain na malawak, tayuan ng mansyon, secret hide out. O kung iba trip ko, maraming kotse, tupadahan o kahit ano pa yan. Maraming kabit, siyempre chickboy mode na to. Hahaha
Kung sa manila naman nakabase ang political power, aba siyempre iba naman ang diskarte. Money Laundering tactics, the usual! Deposit account na iba pangalan. Bili bili lang ng stocks. Dummy NGO’s. Invest sa mga negosyo kahit conflict of interest pa yan basta yumaman. Walang problema! Hehe
Siyempre, magpapalaki ka na ng network, kung pwede lang kahit mga kalaban mo sa pulitika para alam mo galaw. Hahaha O sa huli para mag nadali ka o nahuli, proteksyon siyempre. Ako, dapat yun mga ex general o mga chief dapat ang malakas ang backer!
Oh eto, paano pag anak ako ng sikat na artista or artista/politiko pa! Siyempre kahit di marunong or panget umarte, kapal na mukha to, magaartista ka dahil kilala naman ang pamilya mo. Kung ako yun, siyempre dahil kilala naman ang pamilya mo at kung buenas sa manager mo na puro magaganda ang mga talent aba makakapili ako na yayariin este didiskartehan.. Kung talagang buenas pa eh naanakan pa. hahaha Tapos iiwan din. Good job!
Siyempre dahil anak ka ng ganito, matapang, ok lang mapasama sa trouble o gulo, pero wag naman lagi. Masisira ang image ng family. Hehe Oh kaya paspecial sa network, or sa mga pelikula. Special treatment kahit wala naman talent. O kung mayroon lang, paporma lang, ok na ko. Hehe Kapalan na talaga ng mukha. At kung talagang makapal ang mukha ko pag medyo nalaos o nawawalan ng project baka pwede na din takbo sa politika. Ganun lang naman dito, basta sumikat ka lang sandali o pakitang gilas ka, makikilala naman ako, boto na agad! Oh for sure, panalo na. Wag lang siyempre tatakbo agad sa mataas na posisyon, simula lang muna sa mababa hanggang sa maging gahaman pataas!
Sarap naman ng ganun, madali lang lahat, mayaman pa at malakas pa ang kapit. Grabe, parang ang sarap nun. Kung nagkaproblema, may kakapitan ka agad at walang hirap, ok lang basta wag kalimutan ang utang na loob..
Kaso parang di ko kaya. Hahaha Nahirapan ako magsulat, parang di ko kasi naisip sa sarili ko maging ganun. May kaunti hiya naman ako lalo na kung sikat ang mga magulang mo at may mabuting pangalan talaga. Bakit ko pa sisirain yun di ba?
Pero may iba talaga.. Grabeh!!!!!
Wag tularan!
No comments:
Post a Comment