Friday, February 27, 2015

Redmi Note

Noong narinig ko na may binebenta na Redmi Note at a certain price, aba nagulat ako kasi mura! hehe Tama nga sabi ng mga tech sites or blog sites na it's one of the smartphones na talagang hinihintay irelease dito.

Until to this day, di naman siya narelease. hahaha So nakuha ko siya in a kinda different market. Anyway, just look at the specs 5.5 inches, octa core Mediatek chipset, tapos 2GB of ram and kahit jellybean siya, pero MiUI skin, at of course, 13 mpeg rear camera and 5mpeg front camera. 3200mah batt pala, which simply say sure na one day todo usage. 

Siyempre, dun muna sa di ko gusto na sakit kung baga. Pero ngayon pa lang sinasabi ko na, pagtiyagaan na lang kasi di naman sobrang nakakaepekto sa performance ng phone. It's still a buy kumbaga. First is the USB connector. Kala ko sira kasi di makatransfer ng files from computer to this phone dahil sa connector. Pero nung nakapagpalit na, ganun pa din. Kahit sa charging, di pwede yun sobrang sa charger kasi di nagcharge, dapat mababa lang yun phone. I had a solution! hahaha Yun usb port ng cdr king, aba, gumana yun transfer ng files from computer to phone at well, yun charging basta ibaba lang ng kaunti, may indicator naman kaya yun. 

Isa pa, eh sounds, klaro siya kaso, mahina. Kahit todo yun volume, mahina pa din, kaya yun, ang hirap. Mas malakas pa yun Flare 3 pero lata. So, for me, no choice. hahaha Maganda sana yun clarity, I mean bass, and other parts ng kanta may tunog kaso kung tahimik lugar mo, eh ok. Mas malakas pa hands free speaker niya. Weird right? Mas maganda pa ata yun nokia X2 ko pagdating sa sounds. Beat the hell out sa flare 3 and this phone against sa X2.

After ng Xiaomi update, may times na nagrereset siya. hahaha Di naman lagi, pero basta, nagreset siya lalo na pag nasurf ka. Grabe.. Kakaasar minsan pero pwede na pagtiisan. hehe Another one eh yes, Jellybean, pero di ko naman pansin yun unless if you are into kitkat or lollipop purist. For me, wala naman pinagkaiba. 

At yes, malaki siyang phone at medyo linis linis din kasi yun likod niya na plastic, mabilis madumihan, white pa. 

So, tama na nga ang nega. Positive naman at eto yun mga reason kung bakit sulit ang phone! 

Una, grabe, 5.5 screen na HD is sulit! I mean, lalo na pag mga yify files, grabe iba ang HD file dito, lalo na yun mga big blue ray files... Sarap manood dito! Kaya sakto lang sakin ang 5.5 inches, di masyado maliit or sobrang laki, sakto lang. Screen pa lang for me ha sulit na. Sarap manood and games, well di ako sa games pero malamang pag nag COC ang user dito, maaddik na! hahaha

Pangalawa, yun speed niya, although sa scores medyo behind, pero I don't care, mabilis at yun 2GB ram works talaga. Sarap mag office at magtype dito. Kahit sabay sabay mo nakarun ang apps, parang wala lang. hahaha Another sulit feature. Saka octa core talaga, grabe, pantapat sa mga flaship phone in a more sulit thing.

Pangatlo, despite yun camera eh simple features, eh grabe, sulit siya! Kakaaddict kumuha ng pics and videos. Magugustuhan yun mga mahilig kumuha ng selfies or photos by this phone. That's for sure. 

Lastly, the MiUI. I use this sa flare 3 pero launcher lang kasi. At last, got a taste of the full MiUI experience. I can say na panalo siya, kasi daming features na pwedeng gamitin at higit sa lahat magandang tignan. If I were Apple, eto yun idedemanda ko! hahaha I mean, nung unang tingin ko, 50% ng interface parang iOS at may dagdag features pa! hehe Kaya grabe, lalo na yun messaging app nito, iOS ang dating na lower gen. See it for yourselves. 

Nakakatawa, may feature dito na naku, pangkabit. I mean pag may tinatago kang ehem message and other stuff, pwede dito. Alam na. hahaha Nagulat ako sa feature na yun at pwede sa mga pang, two timer. Mabenta to. hehe

May single sim version nito na LTE pero since di ko yun nakuha ok lang. I rather have this 3G version kasi di pa naman pulido ang LTE dito. We are so long behind in terms sa net and LTE, so sa susunod na phone na lang ako bibili na may LTE. 

Ok naman 3G connection nito, at yun ibang apps like weather, wallpaper and others. 

Is it for keeps? Yes, lalo na kung basic phone mo to.. Sulit siya, pero kung habol mo may LTE eh hindi ito. Get the other version. Mura and the price na may HD screen, great camera and bonus pa, aba ewan ko na lang kung ano hahanapin mo. Kaya yun sa Kimstore na 9K na to? Sulit na sulit. Lalo na pag nanonood ng films, for film buffs on the go na tight budget? Get this. hehe 

Just bear with the sounds on it. 

Despite may plan ako in the future to get ehem my dream phone, parang ang hirap bitawan nito. Honestly... I let go the flare 3 but for this one..

It maybe for keeps.. =)





No comments: