Wednesday, February 25, 2015

almost gone: My room's ceiling

It's not really a social metaphor or statement. Talagang 50% of my room's ceiling eh still gone. Nakikita ko pa din yun yero na nilagay at yun mga kahoy na nakakabit, which di ko alam tawag, basta yun mga plywood. Mabuti na lang pagumuulan eh isang tulo na lang lumalabas dito.
Ang bilis ng panahon, parang 7 months ago, nagdadasal ako lagi na sana di umulan para di mabasa yun kwarto ko. Pero ngayon, eto na, naayos at nakakatulog naman ako ng maayos. I missed na kumpleto pa yun kisame. Minsan nakatulala lang ako, at makita yun white na kisame, ano ano na naiisip ko. Sometimes, it gives me calm or even peace. Lalo na pag magulo na ang buhay.

Ngayon, wala na yun white color, kulay kahoy yun nakikita ko na. Pero di ibig sabihin eh minsan di pa din ako natatahimik, ok pa din minsan. Kahit ano pa man ang kisame ko basta tahimik, walang gulo at maayos ang kwarto ko, ok naman ako. 
Ok naman ako.. Talaga? 

Siguro nga. Mabuti naman rest of the room still looks white, dirty white and pure white at some spots. Except sa sahig siyempre. hehe I know I don't really like white, may exception lang sa kwarto ko. hahaha

At night, or kahit bago matulog, parang di ko naman alintana kung ano yun kwarto ko, basta may kama pa ko tutulugan, or a place like I said before, sanctuary. Pero importante din na may spot na pagbukas ng mata ko or the last spot I'll see, is that space.. Up there. Simple, rustic, yet calm.
It's weird, but somehow, it gives me hope. Hope that I am still living today. 

Planning to paint it? Nah, mahirap at sa ganun kundisyon ng kisame, eh pabayaan na lang na ganyan. Let it aged.

Sabagay, kisame pa naman sa tapat ng kama ko. 

No comments: