Tuesday, June 17, 2008

3 days absent..

tama.. hehe dahil sa mga pinaggagawa ko noong nakaraan araw, naging busy ako.. hehe pagkatapos ng shift ko noong linggo, deretcho agad ako sa bahay, natulog, ay hindi pala.. nagsimba pala ako.. tapos un uwi ako ng bahay.. tapos natulog.. hehe nagising ako ng 5pm.. bad trip.. kulang pa nga ako ng tulog ng panahon na yun eh.. pero ok lang.. nandun na sa bahay ang mga matalik kong kaibigan.. mali ata ako na nangimbita.. hehe kasi sina Rheg, Iggie at Ian, siyempre nandun, pero nung nayaya ko si Ivan at William.. dun na nagkaletche letche.. bad trip.. nayari ako ng inom saka mga laglagan.. hehe nakainom ako!!! pagkatapos ng ilan buwan ba? 6 na buwan? hehe pero red horse agad ako nasabak.. hehe letche.. pero di naman ako nagtawag ng uwak.. hehe malamang si Ivan magsusulat din ito.. hayop ka, huwag mo ko ilaglag..hehe bad trip kasi un ibang sekreto ko, nalaman nina Rheg, dahil sa dalawang ungas.. buti walang Al..haha hay naku.. napakasaya kahit ganito ako.. kasi siyempre iba un nakaraang taon kong birthday eh.. kaya eto.. pero masaya talaga ako.. salamat sa kanila.. hehe si Ivan himala, umiinom na.. nacocontrol niya ata ang aikido urge niya.. hehe

pagkatapos ng matinding inom.. hehe hinatid namin si Ian kasi sa sobrang antok at di pa pala umuuwi ng isang linggo galing sa shift.. grabe talaga mag medicine.. hehe kaya iyon, hinatid namin pauwi gamit un kotse ni Iggie.. tapos nun, si Rheg naman tapos ako tapos si Ivan.. si William, umuwi agad pero nakainom din.. kala niya di siya makakatakas.. hehe ano pa ba.. un, nakatulog agad ako, pero natamaan ako ha.. tig isang litro kasi kami ng red horse.. hehe tapos pano pa kaya sa July 6, si Iggie naman.. naku, matinding inuman to.. haha at may nalaman pa pala akong tsismax.. grabe talaga ang ibang tao.. pagkatapos ng ilang taon ng pasasama, biglang papalitan ka lang after what, 3 months? good job.. hehe pat on the back.. grabe.. tapos mayrun pa, nangangamoy ligawan to ha.. hehe parang high school.. sana makatsamba.. hehe kung sino man yun, good luck pare.. hehe tapos un.. lunes na..

medyo bangag pa ko kasi sa inom.. grabe talaga.. pero ok naman ang gising ko, at least di hangover.. ano pa ba.. wala na ata eh.. ah eto pa pala, siyempre nagcomputer ako agad nang maaga.. tapos, habang nagsusurf ako, laban pala ng Lakers at Celtics.. grabe, kala ko na naman sure na.. dahil tambak ng 20 ng first quarter ang celtics.. tapos pag dating ng 4th quarter.. eto na.. 5 na lang ang lamang tapos dumikit pa sa isa.. grabe un celtics.. ayaw magpamigay ng panalo.. akalain mong, walang perkins, si rondo walang silbi.. tapos si Pierce lang gumagawa.. grabe.. ang galing ng celtics.. kasi sobrang hirap na un Lakers.. kahit gumawa un 3, di pa rin nakalayo.. pero un na.. nanalo din sa huli un Lakers, lima lang lamang.. at hirap sila noon ha.. ibig sabihin, talagang celtics na to bukas!!! hehe lagot ang lakers na to.. kawawang kobe..

tapos.. nung matalo na ang Celtics sa game 5.. siyempre, panay surf pa rin ang ungas.. hehe di ko maayos un multiply account ko.. pero siyempre tinitignan ko un metal gear solid 4 na kakalabas lang nung linggo din.. hayop un metal gear solid 4 sa PS3.. eto ang rason kung dapat ako bibili ng PS3, dahil lang sa larong to.. hehe ang loko din un mga ibang players, tinapos na agad at pinost un ending sa youtube para sa ibang players na walang PS3.. salamat ng marami sa kanila.. hehe un gameplay, story line at siyempre un astig looks.. basta na sobrang reach un expectation ng metal gear solid fan talaga.. ang astig.. panalo.. sana may PS3 na ko.. hehe so pagkatapos nun, umalis ako sandali at pumunta ng bangko kasi inutusan ako ni dad eh.. hehe pagkatapos nun.. siyempre, nakatulog na naman ako ng mahaba.. nakagising na ko ng martes.. good job.. hehe tapos.. ano pa pala.. nakakuha ako ng mga kailangan ko sa SM fairview, magic cards siyempre.. kasi pumunta ako kay Algerro and Daddy.. ok naman si Algerro, pero nagaalala ako kay Daddy, kasi nagkakasakit siya.. mukhang ok naman siya ngayon.. pero.. bukas, magvovolunteer ako samahan na siya sa doctor.. kailangan niya kasi talaga magpa check up at follow up.. sa biyernes, birthday na si Mommy.. galing talaga niya magluto.. hehe nasarapan pala sa pagkain un mga niyaya ko nung birthday ko.. tapos yun, nagpapicture pala si Mommy, maganda un suot niya.. kukuha nga ko ng kopya ng picture.. hehe pero nakakain pala ako ng ice cream kasi birthday ni Jeleane nun lunes.. grabe no.. sa isang linggo, 4 na tao ang birthday sa pamilya ko.. hehe di pa kasama un bida siyempre, at si kuya Dong at Pristie.. basta sana ang wish ko lang, sana maging masigla kaming lahat sa pamilya ko at kaibigan ko at sa lahat ng tao.. at patuloy ng manalangin sa Diyos para malampasan lahat ng pinagdadaanan namin.. salamat pala sa lahat ng binigay niya.. un lang.. hehe napaka senti.. ingat sa lahat.. good day, sana buenasin tayo at pagpalain tayo ng Diyos sa bawat sandali ng ating buhay.. lahat tayo.. di na naman natuloy un mga plano ko sa off ko.. hehe bad trip.. next week na lang siguro..

No comments: