Sunday, June 8, 2008

hay sarap ng off..

sorry, ngayon lang ako nagpost.. dapat kagabi kasi eh.. kaso naging busy ako sa kakabasa ng manga ng berserk at kakapanood ng 3 macross series.. un zero, na pagdating sa dulo, pangit.. hehe un episode 10 ng macross frontier na naging dahilan kaya pinanood ko un zero, at un huli, ang macross plus.. ang pangalawang magandang macross series.. siyempre ang una, un DYRL? macross.. hehe un lang.. di ko napansin, na 3am na ko.. kaya un, sulit naman kahit papano.. eto, nanonood ako ng finals game 2 ng Celtics at Lakers, kaso un, sina Kobe, nasobra ata ng kain ng kangkong.. hehe tambak.. grabe.. anu ba yan, Leon Powe lang ang katapat nila.. hehe medyo kakahiya ata un.. kagabi, di kami natuloy kasi di kami kumpleto ng CRAP.. wala si Christian eh.. hehe siguro sa susunod na lang, or dapat sa Linggo kasi baka dun ko gawin ang handaan.. dalawang araw na lang, 25 na pala ako.. bad trip.. hehe pero ok lang, naramdaman ko naman na itong taon na to, mukhang taon ng pagbabago at pagbangon.. naks, malalim ata un.. hehe

mahirap talaga tong taon, pero kailangan lumaban at magdasal para sa ikakabuti ng buhay natin.. nang pamilya ko.. at siyempre mga barkada ko at malapit na tao sa buhay ko.. habang nanonood ako ng macross plus, talagang naalala ko nung high school.. VHS pa un panahon na yun.. hehe pero talagang masarap balikan lalo na kung maganda un pinapanood mo.. nahambing ko un OVA saka un movie ng macross plus.. pareho silang maganda, di naman nakakalito kahit marami na iba.. kaso ganun pa rin un storya.. pareho.. mas maganda sa kin un movie kasi deretcho.. walang putol.. un lang.. mukhang nakabalik ang Lakers, 4 na lang ang lamang eh.. kamote ata ang Celtics.. hehe basta, ano ba gagawin ko ngayon araw? siguro tulog or labas sandali tapos.. mamayang gabi post ulit siguro ako.. hehe hay buhay.. sana maging simple na lang.. sige, ingat sa tin lahat, magandang araw.. Pagpalain tayo ng Diyos..

No comments: