hay kakapagod ngayong araw.. hehe di naman buong araw pero itong umpisa ng shift.. sa pagkatapos ng shift ko, nagkita kami ni Joanne, best friend ko nun college, pumunta kami sa puntod ni Prong.. well, mahabang lakaran nangyari kasi pinuntahan di namin un friend niya namatay din na halos katulad ng araw kay Prong.. un friend ni Joanne pumanaw ng Sept. 4, 2007, samantala si Prong, Sept. 5, 2008.. napakasaklap ng kapalaran.. pero ganun talaga ang buhay.. kailangan tuloy ang buhay.. pagkatapos noon.. dumerecho kami sa gateway ulit, at kumain.. masarap pala ang teryaki boy at siyempre, matagal na ko di nakakatikim ng coffee bean, kaya nangyari na noong sabado.. hehe maraming salamat Joanne.. di bale, babawi ako sayo.. at un, nakauwi na ko ng mga 3pm at nanood sandali ng NCAA.. hehe malakas ang San Beda.. 3 peat na to.. sayang un Mapua.. wala na naman silang malaki.. maraming tao sa Araneta noong sabado dahil opening ng NCAA, pero nanood na lang ako sa TV.. isa pang team na bilib ako, Letran.. wala na silang malaki ha.. pero nanalo pa rin sila sa JRU.. iba kasi ang batak na players ng Letran.. pero ang problema, pag San Beda ang kalaban, sure na talo sila.. hehe kawawa naman.. next week naman, UAAP na.. go uste!!
tapos, Linggo na.. siyempre, Paquiao day.. bad news, wala ako net.. naputulan.. yan ang nangyayari pag broke ang isang tao.. hehe pero ganun talaga ang buhay.. eto na.. puro warcraft at NBA Live na lang ang ginawa ko.. pero ang plano ko dapat, tignan sa net kung sino nanalo, kaso ung nga.. putol.. bad trip.. mga 12pm na nagstart un laban.. Round one.. ok pa naman si Diaz, pero nun pagdating ng ibang round, na punching bag ni Pacman.. durog.. hehe pero mantakin mo, Round 9 bumagsak si Diaz ha.. ang tibay pala talaga, pero di pwede kay Pacman yan.. galing!! dapat sumunod kay Pacman eh si Valero, or si Campbell para marami belt niya.. or si Hatton, pero para sa record din at pera.. hehe pero, tama si Freddie Roach, dapat magretire si Pacman by next year kasi sa mga laban na naharap niya.. di biro ha.. lahat legend at hall of famer.. buti nga, di niya lalabanan si Cotto eh.. tapos noon.. natulog na ata ako.. ah, nanood pala ako ng TV, PBA pero ok lang.. nakatulog ako.. hehe
tapos ng Linggo, siyempre, Lunes.. at naglinis ako ng kwarto, nagayos ng mga magic decks at mga gamit ako.. anu pa ba.. yun, nagayos ng mga kalat din.. bale, napaaga pala ako gumising.. napapanood ako ng unang hirit at umagang kay ganda.. hehe saka myx pala sa studio 23.. voltes V din saka pokemon.. napatagal ata ang nood ko, di ko napansin, pero ok lang, wala naman kasi akong internet.. para sa ngayon.. ang napansin ko lang na kakaiba eh project 1 na kanta.. ung ang sarap dito.. ok ha.. all star cast pala sila.. hehe sandwich, imaga, saka may isa pa, pero di ko kilala un name ng banda.. tapos, ang malupit, ung bagong kanta ng pedicab na ang video eh hinaharass ng mga Japanese Girls!!! mga hayop kayo!! ang buenas ang mga letche.. ang title ng kanta, ang pusa mo.. maiksi pero astig nun kanta, video din.. pero overall, wala lang sila magawa.. nanggugulo lang.. haha pero astig talaga nung video.. one of the best of the year.. nakakatawa.. saka sino un mga chikas dun.. hehe pero pagnaayos ko na un internet ko, ilalagay ko un mga pamatay na OPM video.. hehe sa mga bumabasa, baka magtaka, kung bakit nasaan ka na ang pamagat ng aking blog para sa araw na ito.. tuwing pakikinggan ko ung kanta ni nyoy volante, parang napakalungkot ko.. siguro.. talagang napakahirap, lalo na pagnatatandaan mo un mga panahong masaya kayo.. sa isa't isa, sa hirap o ginhawa.. kaso talagang ganun eh.. mahirap ang pag ibig lalo na pag may bahagi na bawal.. hay, napakahirap.. magmahal siguro ulit.. talagang siguro, ganito muna ako.. magdusa at maging mapagisa siguro.. mukhang di na siya babalik..
hay naku.. ganito na siguro ang buhay para sa kin, para sa taong na to, gulo, away at lahat na.. hehe pero malamang, kailangan bumawi talaga ng matindi.. hehe sige, eto na lang muna sa ngayon.. magandang araw, pagpalain tayo ng Diyos at.. salamat sa lahat..
No comments:
Post a Comment