Hmmmm for a week na or so, well running.. Grabe, walang DVD blank sa CDR King at di ko alam kung bakit!!! Grrghh..
Di na kaya ng computer ko, at kailangan ko na magburn ng files ko at lalo na yun mga order sa kin.. I don't know why CDR king did not fill up any inventory ng blank DVD or what.. Basta hanggang ngayon, wala na sila blank DVD, puro CDR blank. Wow, para naman marami malalagay sa CDR blank. hehe
I'm just frustrated, going to trinoma with their biggest branch, no blank DVD for weeks. I went there twice na.. Tapos nilakad ko from office to Glorietta branch then unfortunately, wala din. Bad trip.
Then yesterday, ayun, dagdag sa bad trip, ang trapik pauwi!!! Yehey.. hehe
Kamalas ko naman pag Saturday shift. Anyway, ok lang, important ayos naman nakauwi at ayun, pahinga. However, well, the need for those blank DVD's is imminent. hehe
I have other choice naman, pabili na lang ako siguro kay Kuya Allan sa quiapo, siya naman nakakaalam nun eh. So sana makahanap siya at makakuha ng kailangan ko DVD. I don't know if CDR king has plan to sell of those blank DVD's but they should do it, I mean ang laki ng epekto nun ha..
Dati pag pumupunta ako in any branch nila except dun sa Trinoma na maluwag, grabe ang tao, sobra ang pila, kala mo sinehan. hehe Lalo na yun sa SM Manila, panget na ng pwesto nila dun, grabe pa din ang pila. Pero these days? Ayun, parang wala lang, wala masyado tao at maluwag, kasi walang DVD blank. hehe They will indeed feel the domino effect of it at pag di nila inayos yun, malamang marami sila ipapasara na store. Like they did in Taft, na di naman lumipat, talagang sinara na nila..
Geez, sayang pa naman sila, very convenient saka kahit maraming tao, willing to wait naman ako, mura eh. hehe
They should solve that asap.. And I feel, up to now, they don't have an answer why walang blank or what are their plans? Gadgets na lang? hehe
I still remember, way dati pa, dun sa blank DVD's or CD's lang tinda nila ha.. Wala pang mga accessories sa computer or even DVD player, parang dun lang sila nagsimula tapos ayun, dumami na.. That's a simple example of success.. Kaso mawawala lahat ng pinaghirapan nila kahit alam ko simple lang yun need pero yes, the only cash cow they have is gone, they will be a goner..
Well, sana these coming weeks or days, may stock na sana sila para naman sa lahat no. Di naman lahat can afford to have USB or HDD, iba kasi yun DVD eh, malaki na, pwede pa iclassify.. Or manage.. Saka kahit DVD lang yun, eh tatagal naman sila as long di lagi gasgas. hehe
I hope they read this and solve it quickly that problem.. Many of their customers might well, go away..
I hope they are not falling indeed.
No comments:
Post a Comment