Monday, September 6, 2010

Kinabukasan

Di ko alam kung ano nga ba darating sa kin bukas.. Kahit naplano mo ang gagawin mo o napagdesisyunan mo na yun dapat gawin eh nababago pa din.

Kung pwede mo lang malamang kung ano ang bukas para sayo, edi sana madali ang buhay di ba? Pero naisip ko parang hindi din. Hindi talaga. Ika nga ng mga kasabihan, ikaw lang makakagawa ng kinabukasan mo.. Kung ano gusto mo mangyari at panindigan mo!

Ang hirap naman nun.. =(

Mahirap magbunga siyempre yun mga plano mo o yun gusto mo mangyari bukas. Kasi di naman natin hawak ang resulta ng gusto mo.. O kahit gusto nila, kasi siyempre pagayaw mo, edi wala na. =) Sorry na lang sila.

Dati di ko iniisip kung ano ang bukas para sa akin pero itong nakaraan mga taon, naisip ko na din kung ano dapat para sa kin.. O kahit sa kanila.. na ikakasaya ng lahat. O kakasaya ko, sa sarili ko at kung meron, sa magiging pamilya ko. Kung meron.. =)

Siguro na din, naisip ko na din ang mga bagay na talagang masasabi ko saan maging masaya o komportable. Pero isa ang sigurado ko na gusto, na tahimik na kinabukasan at puno ng saya at pagibig bawat araw.

Iniisip sa paglipas ng panahon, kailan kaya darating na araw na yun? Siguro talagang sabik na ko dumating na mga araw na yun.. Ulit..

PInagdadasal ko nga araw-araw, sana kung darating nga yun, nandito pa ko. =)

Di naman ako nawawalan ng pag-asa.. Yun na lang ang tanging nagbibigay sa kin siguro ng lakas. Siyempre nakalimutan ko, pagibig na din galing sa mga taong nakapaligid sa kin.. Salamat!

Pero di lang yun, may mga iba pang bagay na din, marami sila, mahirap ilista dito. =)

Ang Diyos na din, kahit minsan parang ayaw pa niya ha, pero salamat din at nandiyan siya para bigyan tayo ng patawad, at grasya.. Presensya.. Pag gabay.

Kung anong bukas ang ibibigay niya sa kin, edi dun na ko. Kung para sayo talaga, ibibigay niya sayo.. =)

At naniniwala ako dun, maraming beses na.. Kahit di yun talagang hiniling mo, ibibigay niya sayo na ibang dimensyon at maiisip mo, oo nga no! Mas tama yun binigay niya..

Pero may binigay siya dati, na talagang napasaya ako.. At sana, ibigay niya ulit yun.. Medyo matagal na, pero naghihintay pa din ako. Ok lang yun, mahaba naman ang pasensya ko. =)

Sayang lang, kung naging tama lang ako...

Noon hanggang ngayon, ang Kinabukasan na hinahanap ko ay di naalintana..

Ngayon na sana yun..

ang Kinabukasan..

No comments: