Tuesday, September 28, 2010

flashbacks: wooden crib

Siyempre, di lang isa kundi maraming beses nangyari sa kin na sobrang malas or katangahan. hehe

Some summer ago when I was a kid, siguro high school ata pero nakatira ako sa Proj. 7 due to well, kawawa naman si daddy at siya lang magisa dun at those summer.. Eh it was a simple day for me.. Pag gising linis ng bahay!!

Pakain sa mga dogs namin na well, kahit may allergy ako sa kanila, no choice. hehe Then, ayos, luto kuno para sa lunch tapos nood ng tv or laro whatever.. Of course, umaalis si Dad before lunch for work while me, ayun iwan sa bahay. That time, wala talagang pera siyempre walang pasok! hehe

Eh ang pera ko lang pang arcade lang so after around 5pm ata, ayun punta ako palengke tapos laro na ng arcade!! hehe Well, uso pa nun marvel super heroes saka siyempre, King of Fighters 99, pero that time sikat pa din. hehe

Kahit wala na ko token, tingin na lang ako sa ibang player, para matuto ng moves saka combo siyempre!!! So after some time, mga past 8pm, uwi na ko..

Eto na ang simula..

So, madali naman ako nakapasok ng gate, pero yun main door sa harap di ko mabuksan.. Grghh!!

Punta ako sa kitchen door, ayun nakandado ko ata. hehe Mas mahirap buksan..

Balik sa main door ayun, pilit ko binubuksan pero wala ako magawa.. Sobrang lock as in parang napilipit yun wrist ko sa kakaikot ng door knob. hehe Pero iniisip ko that time, bakit ko nalock tong pinto? Di ko naman naisip siguro na uuwi na agad si dad nun, at lalabas pala ako, dapat ibang style na lang ng paglock!! Bwahaha

Pero anyway, I tried yun wire pero di ako marunong.. I tried screwdriver pero sobrang kapal na lintek na kahoy ng door!!! hehe

Tapos eto pa, I don't know ano tawag sa wrench na yun, kasi parang talyer yun garage namin, so halos lahat ng tools nandun, so parang malaking bilog siya tapos parang wrench siya.. Basta I tried using it from the window tapos reaching the door knob, yes may extension ako parang stick na mahaba, of course it did not work after 1 hour of trying!!! Bwahaha

I got hungry, very hungry... Damn, sana may cellphone na ko nun kaso wala eh... Di naman ako pwede lumabas ulit, gusgusin na ko.. Geez..

It's already 10 pm, di pa umuuwi si Dad, crap.. Mabuti na lang may kahoy na crib sa may pinto namin. Yes, yun ginagamit ng bata, parang ginamit na nila Kuya and Ate yun, ginagamit that time, tambak ng gamit.. So I removed those things and well, I slept on that tight crib.. Malamok pero wala na ko magawa, tiis na lang.. I said to myself, darating naman si Dad, pagbubukas naman yun pinto sa harap, may key naman siya dun..

I was so afraid na not because of the insect or magkasakit kasi sobrang lamig pag gabi sa labas, pero baka pagalitan ako ni daddy eh.. Bakit ako nasa labas ng bahay.. Eh siyempre iba si Dad pag nagalit. Nyak! hehe

I fell asleep and waited for a solution..

At 5am, may gumising sa kin, yehey Dad!!! Ayun, pinapasok na ko sa bahay, tapos tulog dun sa kwarto ni Ate, sa may gitna with aircon na bulok. hehe

Di naman ako nasabon.. Or pinagalitan..

Next day, ganun ulit pero wag ka may susi na ko!!!! =)

That's why paguwi ko bahay even these days, kahit late, ayoko sa lahat yun nalock ako kahit nasabihan ko na late na ko uwi, tapos paguwi ko lock pa din. Maybe because of this..

I just want to be outside at the dark waiting somebody to open for me.. Siguro dapat may bahay na ko para maiwasan yun! =)

The crib? I don't know what happened, di naman nagamit ng mga pamangkin ko yun, ah si Jeleane pero well, basta, sobrang sikip ng crib na yun, mabuti nagkasya ako nun HS pa ko. hehe

Hay, basta tama na one time matulog sa ganun or in that situation.. Pero di pala, may sumunod pa!!! Pero hindi sa crib.

Abangan..

No comments: