Thursday, September 2, 2010

flashbacks: Alaska milk with Pares

Siyempre inaamin ko, sometimes I'm a gambler.. hehe Pero di naman yun malakihan na pusta, just for fun. I look back those pustahans, from odds ng NBA, yun goals as din.. Well, they are all for fun. Lalo na yun odds sa NBA, kakamiss na din. Kahit now, kahit walang booker eh tinitignan ko pa din yun odds sa net, saka yun stats ng mga teams.

At siyempre, may conduit sa mga pusta na yan. hehe May accomplice kung baga, at ayun si Al, Atty. Al na pala. hehe

I still laugh about that 1/4 sheet of paper na pinirmahan pa namin about a certain pusta sa isang game ng PBA noon. May witness pa!!! Si Ivan.. hehe

Alaska Aces well, yun ang team ko sa PBA until now. Even I haven't watch a single live game na sila naglalaro, kuntento na ko pag sa TV ko sila napapanood. Great coach Tim Cone, tapos ngayon nagchampion pa because of a perfect system for the players and a great import as well. Looking back those college days, they got the first draft pick, at yun ay ang highly touted rookie, the benta king, Mike Cortez!!!! hehe I realized with that unproven accusation sa UAAP finals eh well, he still got drafted, at number 1 pa.

Atty., siyempre ang team ng indot eh never say die, Ginebra Gin Kings!!! Naks, malamang nun panahon na yun, malakas pa sila Menk, tapos yun Caguioa and Helterbrand, pero parang si Mark the spark pa lang yun malakas nun saka siyempre si Menk.

I forgot bakit kami nagpusta sa isang game nila, pero siguro nagasaran kami, siyempre kahit magaling naman sa basketball si Atty nun, ako naman well, mahina na, pero pag sa PBA, ayun asaran kami. Sarap asarin ng Ginebra! hehe

Pero yun nga, to prove kung sino talaga magaling, edi nagpusta kami... Pares with extra rice, pares sa may maceda ha, hindi sa Retiro. Although mas masarap sa Retiro, pero ang malapit sa min, saka after class pag nasawa sa Almers, dun kami kumakain, Pares sa may maceda. hehe

Sinulat pa namin sa 1/4 paper yun, with witness nga, tapos may terms and conditions pa ha!!!! Kasi naman may class kami obligations and contracts, so we want to make a fun of it. Besides, we were stressed at that class, in 3rd year. hehe

Pirmahan pa ha!! Kampante din ang Indot. Sabi ko naman, ok lang, handa na ang 60 pesos ko plus 12 ata for the extra rice. hehe That time kasi mataas sa standings ang Ginebra, samantala kami sa Alaska, middle standings pa.

After that day, we waited until Wednesday to go home and watch the game. Siyempre ako, abang talaga kasi Pares din yun ha, na libre. hehe As the game started, like 1st quarter, ayun inaalat ang Alaska, tapos tong Ginebra buenas pa tapos siyempre may crowd support. Sabi ko sa sarili ko, wala na to, ubos na baon ko bukas! hehe

Pero as the game progressed, akalain mo, si Mike Cortez, na wala ako tiwala that time, siya bumubuhay sa Alaska!!! hehe Naalala ko, kasama pa sila Arigo, Peek and Cablay noon pero grabe, si Cortez yun tumatalo kila Mark and company.

It went to 4th quarter, ayun text ng text kami nila Atty, kinakabahan siya kasi dikit ang laban.. Nangangamoy pares ata ako bukas!!! hehe

Well, the game ended, Mike Cortez scored around 25 points and sealed the win!!!! Well, Ginebra, losers! hehe Kawawang Mark the spark, kahit 20 points ata ginawa, wala nagawa kay Mike. hehe Saka naisip ko din, baka mahal ang fee ni Mike that game!!! hehe I thank for him at ayun, ang sarap ng lunch namin ni Al next day..

Pares with extra big rice... Tsalap. hehe

Now, wala ng Mike Cortez kung saan siya napunta at ayun sa huli, Ginebra siya napunta.

Ang tanong, kung magpupusta ulit kami ni Atty, pupusta kaya siya sa Ginebra?

I hope not.

No comments: