Kay tagal ko na di tumula,
Hindi dahil katamaran,
O ako'y nawala, tulala.
Maraming nangyari't ginawa.
Sa ngayon lang ako nabigyan,
ng libreng oras at panahon,
para ako'y magsulat, tumula.
Sa tagal ko sumulat, limot.
Limot ko na ang mga linya,
linyang maiksi ngunit saya,
linyang mahaba, ngunit lunkot.
Kahit anong linya may halaga.
Puso't isipan ko't mahalaga,
Ang tula, dahil sa mga linya.
Ito'y may presensya kahit,
di kumpleto at kulang sa guhit.
Subali't, bawa't linya may sabi.
Nakasaad ang damdamin,
nakasulat ang saloobin,
mapinta ang buhay at sawi.
Bagama't mahirap at pilit
mong iniisip ang mga linya.
Sa huli, kung ito'y may silbi,
pagod at balisa ay napawi!
No comments:
Post a Comment