Sunday, June 19, 2011

Pepe

Di ko akalain na ang palayaw niya ay Pepe. Sapagkat napaganda ng pangalan niya, mahaba ngunit napakamarangal.

Pagdaan ko kanina papunta PICC para sa isang Pista pero ang FX na sinakyan ko biglang lumiko sa Ayala bridge, ibang daan papuntang Vito Cruz.. Iwas sa trapiko dahil sa pista ni Pepe.

Tama nga naman ang ginawa di lang ng gobyerno, kundi ng buong bayan na gunitain ang isang daang limang pong anibersaryo ng kapanganakan ni Jose Rizal. Isang beses naman mangyari sa ating kasaysayan ang 150 na taon, o kahit isang daan taong lang eh. Iba na yun.

Nakakatuwa lang at sa totoo lang, sa kolehiyo ko lang naisip at nadarama kung gaano niya buwis ang kanyang buhay para sa bayan. Sa kanyang angking galing at talino, naisip mo na sana naging presidente siya o kaya't naging tanyag na manunulat o negosyante pero naisip niya magsilbi sa bayan. Ah oo nga pala, isa siya din magaling na doktor.

Kakatawa nga, ako'y nagaral sa eskwelang ayaw niya dati! hehe Mahal na mahal niya ang Ateneo, siyempre dahil dun nahubog ang kanyang galing. Ang nakakatawa pa, ang aming guro sa paksang ito ay sobrang kulit at bibo kahit malapit na sa pagkaretiro. Di ko lang alam ko nasa siya ngayon pero isa siya sa magagaling na propesor na nagliwanag sa kin tungkol kay Pepe. Napakagaling, lalo na sa pag espanyol.. Que Horror! hehe

Pero yun pagturo niya tungkol kay Pepe ay nakapabalanse. Di lang yun mga magagandang nagawa niya ang tinuro, kahit yun mga pagkakamali niya ay sinabi din at bigyan liwanag na din kung bakit niya ginawa yun..

Di lang mabigyan liwanag, eh kung bakit, matinik si Pepe sa babae. hehe Grabe, yun ang isang idolo!!! Kahit di naman matangkad at matipuno, pero siya ata nagbigay patotoo sa pilipinong macho.. O pagkalalake ng pinoy, matalas ang dila at marunong magmahal. Naks. =)

Kalimutan na natin yun, pero ang mahalaga, mula sa tula niya, sa mga librong ginawa at sa prinsipyong pinaglaban niya.. Lalo na imulat tayo sa totoong diwa ng malayang bayan, yun ang napakaimportanteng iniwan niya sa atin..

Di siya gumamit ng dahas kasi makadiyos siya, at ayaw masaktan ng maraming tao, at naniniwala sa mapayapang paraan ng pahihimagsik. Kahit ayaw niya sa mga prayle, nagawa naman ang pakikilaban sa payapang paraan.

Di ko naman sinasabi mali ginawa ni Gat Andres, pero mas tama ang ginawa ni Jose kasi di lang pakikibaka ang gusto niya, kundi malaman at maging edukado ang bayan sa mga maling nangyayari sa tin, sa bansa.. Sa bawa't isa..

Kaya naman, itong buwan na to, di lang sa madami may kaarawan sa aking pamilya, kundi ito'y isang pagpugay na din sa isang taong totoong nagsilbi at walang takot maglingkod sa bayan. Isang tunay na bayani.

Siguro, di pa siya magiging masaya kung nakita ang bayan natin ngayon. Bagama't di malaya sa mahahalagang aspeto ng ating pagtakbo bilang bansa, alipin pa din sa kahirapan, korupsyon at katiwalaan.. Ang masama pa, gawa ng kapwang Pilipino.

Pero, ika nga sa mga tula niya, di siya nawawalang ng pagasa, at sana makita niya at tayong lahat, magkaisa di lang sa paglaya kundi sa isang mayamang bansa.

Mayaman sa kaunlaran..

Mayaman sa edukasyon para sa tao, lalo na sa kabataan..

Mayaman sa kultura at pagmamahal sa ating lahi.

Mayaman sa mga taong handa maglingkod para sa bayan.

Sana kung kaya natin, at malutas ang mga problema ng bayan, maging si Pepe tayo, sa maliliit na paraan lang..

Maganda simula kung tayo ay maglingkod mula sa puso..

Handang magsakripisyo para sa bayan ating mahal.. =)

Pepe, ang hirap magtagaglog ha..

Adios..

No comments: