At di ko pa natitikman yun lumpia.. Ok lang malugi ako sa pangalawang laban, may pagasa naman pumasok sa Huling Apat na eskwela sa UAAP. =)
Salamat at naabot ko yun tinakda ko para sa buwan na to, huling hirit bago mag Sept, nakalimutan ko yun buong spelling sa tagalog. hehe
Pero nakakalungkot lang nitong Agosto kasi may mga nangyaring di ko inaasahan at sa ibang tao din. Pero di naman grabe kagaya nung Enero. Sa susunod na buwan sana maging maayos ang lahat, may pagasa at saya. Medyo kakapressure lang kasi siyempre may mga hinahabol ako sa trabaho at sa shop. Sana maging maayos ang lahat.
Kagaya ng sinulat ko dati, sa medyo nababawasan na din yun mga ginagawa ko, di nga lang dun sa kolekta. hehe Pero yun ibang bagay, medyo natapos ko na. At sa buwan na to, mukhang makakapaghinga na ko ng matino at sana, medyo mahaba at walang istorbo. May iba nga lang, ganun talaga. hehe
Ah, oo nga pala, dapat magtula na ko dito kaso, kulang na talaga sa oras.. Pangako ko, sa susunod na buwan, may tula ulit, pampalipas oras lang at para makita ko kung talanga may talent pa ko sa Tula. =)
Dapatwa't sa aking maliit na oras, sana'y sa darating na buwan.. Ayun maraming oras para sa kin sarili, mga gusto gawin at sana pumasok ang UST! Kahit talo na sila sa laban pang kampeonato. hehe
At sana lang, matapos lang ang mga ulan ha.. Grabe, di pa ko nakalaba ng sapatos. At may lisensya na ko! Kaso di pa din ako marunong magmaneho. Grabe... Wala naman ako kotse.
O siya, tama na to, may isang oras at labing limang minuto pa ko bago magtrabaho.
Sa wakas, umabot ako!! Oo nga pala, sa CRAP, salamat nung linggo kahit sobrang wasak na ko at lahat, masaya na ko. Yun nga lang, medyo mababawas na ko, di niyo muna makikita ang rekord pansamantala.
Iiwas muna ako sa pesteng at magaling na Chic-boy. hehe
Agosto ay buwan ng ating magaling na wika.
No comments:
Post a Comment