Sunday, August 14, 2011

Pangasar ni Mang Inasal!

Previous blogs, I really loved Mang Inasal for sometime, before it was bought by a monster Jollibee.. However, as yun experience ko with it, from good, bad, to worse!!!!!

Siyempre let's go to worse na. hehe

Tired of eating lunch sa pathetic na concessionaire sa MJ, me and my team mates isip na kumain sa Mang Inasal, may bagong branch sa Valero. Punta kami, tapos maluwag ha. Gabi na kasi.

Eto na, oorder na kami, ako since parang kumain na ko, gusto ko lang yun 1 piece barbeque meal with rice.. Kaso eto naman si Ate, sabi 10 mins pa daw, and gusto ako paoorderin ng PM3, yun dalawang barbeque with unli rice. Naisip ko, ayoko nga saka yun ang gusto ko eh.. Kaso naisip ko na din, mag halo halo with ice cream na lang, since yun din oorderin ng kateam mate ko.

Eh si Ate, nun nakuha yun order, nagtanong kung ilalagay daw yun ice cream sa cone?! Naman oh. hehehe Saka iprepare na yun halo halo, sabi namin now na. So ayun, wait kami. Yun ibang team mate namin, mukhang nakagat sa offer ni Ate, tig PM order sila.

We waited and check yun place, ok naman, kahit medyo maliit, mukhang ok.. Tapos habang nagiintay kami, siyempre kwentuhan at asaran, pero nung tumatagal na, mga 10 mins, aba.. Medyo bad trip na kami.

At nakakagulat sa lahat, nauna pa yun PM ng mga team mate namin! Aba, medyo na irate na yun kasama ko umorder ng halo halo, mabuti may dala siyang carbonara from Avenetto. hehe

Aba, 20 mins na at sa kaka follow up nun order, sila Ate at Kuya, nagkakalabo na kung ano gagawin sa halo halo. At nauna na yun mga ibang umorder.

25 mins later, and yes, there is the order. Unfortunately, nagulat kami sa size, lumiit at ayun di masarap! 45 pesos, at yun size, parang isang baso lang at ika nga yun team mate ko, sabi niya, parang dalawang kaskas lang ok na. hehe Grabe, kakadisappoint, and as I finish my measly halo halo, di na ko kakain sa Mang Inasal! Pwede pa din, basta libre. hehe

Grabe, well, poor follow up service, poor menu.. Very poor quality, meaning parang nagtitipid na sila.. That happened na when Jollibee bought them.. Food shouldn't be parang other corporate entities na cost cutting na o magayos na din ng menu, kaso iba talaga pag malaki yun company.. They will do that no matter what. Jeez..

Ah, masarap na tuloy ang Chic-boy Halo halo. Kahit yun turon na lang versus sa Halo halo nila, sa turones na lang. hehe O kaya, eto na lang, yun lumpiang sariwa, mas ok pa yun kaysa sa mga palamig nila. hehe Peste talaga, nangaasar lang sila!

If they read this, great, they should take this seriously. Naks, not because they will lose a customer, pero if that goes on, I won't be surprised that they will close some branches, or worst, close it down! hehe

Sayang pa naman yun effort na nagtayo ng Mang Inasal, sana di na lang niya binenta, well..

If you been offered half a billion in cash plus stocks, ako din, ibebenta ko na! hahaha

But sayang, nathreat na niya the biggest food chain here..

For now, let's all eat to Chic-Boy!


No comments: