Sunday, August 14, 2011

flashbacks: Math Word Problems

Jeleane asked for help, siyempre pag math lalo na kung compute na lang, madali lang eh. Kaso nun nakita ko mga phrases na when the person run for 6km uphil then 2km downhill, then compute for the speed of the entire course, naku, ayoko ko na!!!!!!!!!!! hehe

Wayback HS, until college, well, I'm blessed na matiyaga ako sa math, especially Algebra, or the simple mathematical equations, or sa other math excercises.. Nun UST days na, lalo sa Algebra, nagulat ako na nakaka 1.25 o 1 ako sa Algebra. Di naman sa pagyayabang, pang grade 2 eh! hahaha

Nagugulat yun mga classmates ko nun college, magaling ako sa math. Sabi ko naku, di ako magaling sa math. They did have word problems pero mga simple lang, pang business and statistical use, which is easy. They don't know, nun HS, naku, parang middle pack lang ako sa class pagdating sa math. Pano naman, yun mga magagaling, magaling talaga. Ayoko ko nga ng trigo o calculus which are the causes of my failing in ACET. hehe Crap those subjects. Yes, ang mga HS kaklase ko, lalo na yun iba na binubully ako, magaling sa math. Well, yun ibang excercises kopyahan! hehe Saka siyempre diskarte sa mga titser, alam na, pipila tapos yun na. hahaha

Pero sa quizzes o test, naku naman, mataas sila. Pano nila nagawa yun? hehe

I can say, mahirap ang math word problems nun HS, lalo na yun bandang 3rd and 4th.. Some of them well, naintindihan ko ng kaunti, yun iba, wala na ko pagasa. hehe Most of them, yeah, they are freaking hard to understand.

At yes, even in science, you need to have the ability to identify these problems kasi sa mga higher sciences, ganito na eh. Mabuti di ako ng engineering, puro ganito ang isolve ko, meaning bagsak ako! hehe

At least, naalala ko yun 3 steps, I'm not sure if they are general steps. First is digest and outline yun problem, get the details o yun measurements o yun kailangan mo to solve the problem. Second is what kind of solution to get the answer or formula. Lastly, siyempre the work of itself, the computation and siyempre yun answer. At kung malas malas, explain mo bakit yun. Which is wala naman nun HS. hehe

Grabe, talagang kasumpa sumpa yun mga excercises na yun. Mabuti graduate na ko sa ganun. hehehe

Then college, akalain mo ako pa nagtuturo on some math subjects. Geez, thankful naman ako sa LSQC kasi iba yun math level nila to other schools, except for the other HS, pero ibang level talaga.. Thanks! =)

Di ko lang alam today kung gaanun pa din ang level ng Math from LSQC, pero sana tumaas or kahit steady lang, kasi malaking tulong sa student. Kahit yun ibang kabatch ko, nagugulat na they get praises because of the math skills from HS, kahit di naman masyado magaling. hehe

Yes, this kind of word problems may moral lesson naman, it is used on how to solve life problems which when I got older, I quite did not use it. It helps only for school setting perhaps. hehe Pero yeah, parang ganun lang siya kasi despite of my problems, I never really take time to lay out the solution first, so siguro na din sa experience. Besides, you will not use a scientific or a formula to solve for example debts. Siguro yun approach parang word problems, pero yun mismong word problem, wala eh. Mahina talaga ako. =(

Ah di ko na sinagot yun excercise ni Jeleane, may sagot na, sabi ko tama na yun! =)


No comments: