Actually noong narinig ko dati pwede yun ganun, first time I used it noong 3rd year, kahit nakalagay sa lunch pass ko eh sa D.Tuazon ang address, umuuwi ako sa Tabayoc, di pa kasi tapos yun bahay nun, proj 7 pa ko umuuwi. Sa Tabayoc, dun pa sila Lolo and Dad so pag lunch, nakabisita ka pa kina Lolo, nakakain ka pa! hahaha Siyempre, lusot! Although may mga time nalalate ako. hahaha
Ang hirap kasi, lakad ako from Tabayoc papuntang Banawe, di gaya ngayon na yun jeep umaabot na sa Retiro dulo. Bad trip noong time ko, terminal sa Banawe pa, kaya nalate. Minsan nakakasabay ko pa yun mga kaklase ko kasi malapit lang sila sa Tabayoc.
4th year came sa HS and eto na, totoo sa D.Tuazon na ko nakatira at ayun, sulit ang lunch pass. Never ako nalate pabalik ng skul. hehe Isang jeep lang at wala nang lalakarin. Masaya nun kasi siyempre sa kwarto ako mismo nakakaidlip. Kain sa bahay, at minsan nakakapanood pa ng Eat Bulaga. hahaha At kung talagang masipag ako, dun pa lang gagawa ng assignment for afternoon classes, minsan nakakakopya pa. hahaha Masaya noon at minsan hati yun dala ko ng gamit. Pang umaga lang, tapos palit sa hapon or yun iba nakalimutan.
May bawal din naman sa lunch pass. Una sa lahat, bawal yun gagala ka lang sa lunch sa labas. Kasi one hour lang yun, edi magcut ka na. hehe Mahirap kasi gumala lalo pag lunch eh nasa labas ng teacher, lalo na sa lourdes snack at mang john's.. Naku, lagot na! hehe Lalo naman sa Mcdo. di ko alam kung ano parusa pagnahuli pero malamang suspended. Kaya maganda, uwi ka talaga sa bahay. Wag malate pagpabalik kasi nacount as tardiness at as usual, pasyal sa APSA. At huling rule, wag iwala yun lunch pass. Di lang di ka makalabas, baka di ka naman makakain. hehe Unless kung para kang kaklase ko dati na walang dala lunch pero grabe manghingi ng ulam sa kaklase!!!!
Anyway, nung dumaan si Counselor sa colin, grabe ang coincedence, may lunch pass pa pala. hehe
Sabagay, paguwi ko ng bahay, may nakita ako student na pabalik ng skul.
Hay, sarap ng lunch pass!!!
No comments:
Post a Comment