Friday, August 22, 2014

K'na The Dreamweaver

Noong nakapila ako sa Trinoma, noted napakahaba ng pila.. Iniisip ko ano pipiliin ko.. Hmmm should I see a film na tatlo lang ang cast na mukhang pinilit lang gawin ang isang film about a whatever princess na sa tingin ko next week wala na. hahaha A film about 5 guardians who are to save the galaxy which despite great reviews and trailers or promotions, I did not get excited. Darn I sorely missed Dawn of the Planet of the Apes.. Or how about Scar Jo becoming Akira but directed by Luc Besson which recently has a string of almost flops. 

Pero dahil di ako nakapanood last year ng Cinemalaya at nagpromise ako manonood this year, eto na lang. hehe Before naman ako pumunta cine eh namili na ko kung ano papanoorin ng around 4pm. I chose this na lang, kahit ang gusto ko mapanood eh #Y due to Sophie Albert, but Sunday pa showing. hehe Kapapanood ko pa lang ng palitan sa youtube so naging interested ako kay Mara Lopez, not because she became a centerfold of Playboy here recently. 

Anyway, simple lang naman ang story.. Hmmm a T'boli tribe as the synopsis suggest or mukha nga kasi sa Lake Sebu ang setting, may rare dreamweaver or parang nagbuburda ng abaca na napakaganda. Dreamweaver kasi may kakayahan ata mag interpret or makakita ng panaginip in detail. K'na is her name at napakabata niya to handle such hard responsibility. Very hard childhood naranasan niya kasi maaga namatay nanay niya tapos nagkakagulo pa yun angkan nila laban dun sa kabilang nayon. Pero ang napapatatag sa kanya eh yun Lola niya at siyempre may manliligaw siya na taga gawa ng abaca tinatahi niya. Then well story goes from there, which rely a question, can she live the life she loves or can she live the life she was assigned to do.. 

After a very brief 87 something minutes, sa dami nangyari eh nasatisfy naman ako. Di sobrang sulit o di naman lugi sa binayad ko. Definitely way better than Mood Indigo na kahit 100 pesos binayad ko sa french film fest eh nalungkot pa din ako.. hehe 

Some flaws to be considered.. First of all, sorry to spoil pero despite maganda ang title and title sequence and I was expecting kasi she is task na maginterpret ng panaginip, kala ko yun ang gagawin niya in the climax. But well, the climax was she forced to marry yun anak ng Datu ng other tribe. Geez, I thought na makakainterpret siya ng dream to save or stop the clan war which kinda a downer. Sayang.. That will make this film somewhat great or above sa ibang films sa festival. 

Magaling si Mara Lopez, which I'll tell below, pero some scenes that she could have nailed for an outstanding performance like namatay lola niya, aba nanaginip agad nung nasa hanging coffins siya. No moment to cry or grief. Sayang.. Or kahit yun kinakasal siya, medyo blank state lang siya, well normally for girls they'll cry if they are getting married to the wrong person but no choice. I met once like that. hahaha But well, sayang ulit. 

Lastly, although not really a flaw pero sana, if they did speak a different dialect, sana yun tuloy tuloy na. Not slow or phonetically.. Although pag nasalita sila deretcho baka mahirapan yun magsub. hehe Para rinig ko indonesian or thai yun pagsalita nila, pero ok naman yun ginawa nila. It's better kung natural. O baka mali ako, baka ganun talaga sila magsalita. I should be there to know. hehe

Great points, hmmmm first of all the editing at cinematography.. Talagang pinakita na maganda ang lugar na yun.. Naisip ko nga sana may rest house ako na katabi eh lawa lang. Talagang I'm not a beach person. hehe Dapat ganun na lawa ang setting. Grabe, the right balance of greens and water. Wow.. Breath taking. Editing kasi sa dami nangyari, nakuha yun tamang pace and scenes na dapat sa film. 

Director should be credited dahil sa iksi nung film. Di ba nga nagulat ako sa dami at bilis nangyari eh di man lang umabot ng 90 mins. hehe Tama lang, coz kung dalawang oras yun and more subtle scens lang, kakaantok. But with this short span, ok and tama lang.. Great length for a simple story.

Costume and production design na yun feel na sobrang pre spanish feel yun story. Kuha yun tribe setting, tapos yun dancing at props din na parang accurate in that era. Mahirap yun ha.

Lastly, despite a small cast and most cast eh parang taga dun eh nadeliver naman ng tama yun story despite that big flaw.. Give credit kay Bembol, Nonie, Alex Medina, and surprisingly RK Bagatsing ba, na kala ko nung una siya si Alex. hehe Pero pagtagal, ayun na, di si Alex yun. Galing niya as Silaw na dapat kasi nung panahon na yun, may nagpayo na mag move on. Ayun.. Kawawa naman siya, nagpakamatay, take note, one bad way and good way to die. But well, ganun talaga nainlove kay K'na. 

To Mara, well, tama si Direk Joey na upcoming talaga siya, from doing bare and risky sa Palitan tapos mysterious sa Debosyon last year na sana pinanood ko na. hehe Ngayon she can do role na not bearing skin. Tama nga siya, walang kissing scene. hehe Pero she can do it, very versatile and force siya sa film, kahit may mga flaws. I love the scene yun sumasayaw siya or even yun nagweave siya, talagang nagpractice ata siya. Then yun nagmamakaawa siya sa Datu na wag na ituloy yun balak niya, very moving siya. Kawawa naman and of course,last scene na tumanda siya na kaunti. I just don't like her skin, kasi sayang ang japanese looks niya!!! hahahaha Namana yun skin niya galing kay Maria Isabel. Pero dahil sa skin niya, nabagay siya sa role with her another dialect experience at acting na din. I just wish, I can see her in film speaking in Nihonggo. hehe 

Natuwa naman ako sa audience na talagang pumalakpak after the credits show. They like the film. At sa presyong 150, sulit. Dapat kahit di indie na pinoy film eh ang price dapat eh ganun lang these days.. I know a lot of factors to take consideration para lang matapat natin yun international flicks, but yun price na 150, kahit di alam nung manonood kung ano yun flick, tignan mo.. Puno ang sinehan. Chance ticket holder pa yun dating ko sa panood kung hindi next showing pako. hahaha Like the french film fest or Eiga sai, mapa 100 or lalo na yun free, puno ang sinehan. Dapat price lang ng showing eh pang laban sa mga bigatin.

I mean, paano kung ang film eh 220, malamang, magtiyaga na ko sa guardians. hehe Dapat all pinoy films mainstream or indie, eh ganun range lang para pantapat sa international films. Sa quality naman, alam natin malabo natin kalabanin yun mga blockbusters or foreign films, pero sa price at least may laban kasi dito naman ginagawa at dapat walang tax na yun ganun if they want to have pinoy film industry rise or survive. 

At para na din maraming film na magawan na ganito, kung di social relevant, at least different genre. Or whatever na kuha yun pinoy audience. 

With 150, Erich's film will survive two weeks despite crappy film. hahaha 

No comments: