Di ko sure kung 2006 yun. hehe Anyway, basta ang sigurado, we had a blast!
What's the best time na manood na first time sa UAAP kung hindi ang finals at ang nakakasopresa pa eh pasok ang UST!!!!
Nakalimutan ko na kung bakit nagkakayayaan noon kahit yun isa diyan eh taga DLSU. hehe Grabe, sa labas pa lang medyo chaotic na kasi kita mo lahat ng fans, from ADMU and UST. Shades of Blue and Palette of Yellow.
Paano ba nakapasok sa finals ang UST? After elims ata sa pagkakaalam ko, 3rd place sila, number 2 ang UE. Final Four bigla, expecting na makapasok ang UE kasi malakas ang line up, sabay ang Custodio at Paul Lee at Arellano pa ata. Kaso, game 1 nun kamada ang UST at sa Game 2 na biglang walang Custodio, dahil.. May chismax na.. hahaha Basta humabol USTe at ayun biglang nagfinals.
2006 was really unexpected for UST na magfinals. First year coach Pido tapos ang line up na mukhang di pang finals, lalo na ang center mo eh maliit, Jervy Cruz lang naman. Point Guard mo walang shooting, Japs Cuan. hehe
Anyway, so kahit chaotic ang labas ng big dome, akalain mo nakabili pa kami ng ticket! hahaha Upper B ata kami at unfortunately, SRO kami.
Game started around 6pm ata, grabe, pagpasok pa lang ng mga teams eh sigawan na.. Simula pa lang yun.. Mas nabingi na kami nung nagstart na ang laban. Grabe bawat play, lalo na pagshoot, kala mo wala nang bukas ang hiyawan at sigawan. Wala naman asaran. Wala kasing bad blood ang UST and ADMU unlike, ehem the Green and Blue games na hanggang fans eh nagaaway na.
Buti di naman ganun sa amin. hehe
Tight ballgame until siyempre sa 4th quarter. ADMU was surprised na sobrang basa na ng UST ang lahat ng games. Actually parang second round ata noon eh nanalo UST sa ADMU in OT, kaya medyo alam na ng UST ang gagawin.
Last possession ng ADMU, after time out ni Coach Norman eh lahat tahimik, grabe ang set up ginawa makita na libre si Kramer sa ilalim ayun malamang shoot. Bad trip! Tahimik ang UST lalo kaming apat.. Actually tumawa pa ata yun isa diyan na di taga UST. hahaha ADMU went bananas. 1 point win!
Umuwi kami sawi at nameet pa ata namin si Corps noon sa kaniyang carenderia pero malungkot kami. Nalalakad na pagod, drained at pathetic.
Well, all is not lost as alam naman natin nangyari, tinambakan ng UST yun ADMU sa game 2 at epic Game3 OT Win ng UST na sa sobrang underdog ng UST eh di naman lahat ng UST fans nakapasok ng Game3. Halos occupied na ng big dome ng ADMU. Igz ended up sa italliani's and a lot of UST Fans, ayun sulit naman ang stay nila. hahaha
Legacy naman ang napunta sa ADMU, despite the loss sa UST, they went winning 5 straight titles except last year na siyempre DLSU. UST final four appearances but went back to back finals kasama last year. Epic one as well.
All players and coaches come and gone. As I looked back, until now, nothing changed.. I still watch UST games now kahit pathetic na ang plays and diminishing line up with a dumbfounded coach. Still enjoying cheering despite you know na di na malakas ulit ang UST. It's like nung the first time I cheered for this team before..
Actually noong patungtong ko sa UST naging fan na ko kasi sa mga classmates and cheering stuff despite a line up that time, worst. All were ball hoggers at pasaway pa na di sumusunod sa pasigaw na coach. Naging class mate pa namin sa subjects. Ayun puro kopya ang ginagawa. hahaha
Despite ups and downs, or maybe a lifetime fan, besides I love the school, not my course.. hahaha
Go USTe!!!!!
No comments:
Post a Comment