Habang papunta ako ng SM North, no choice kasi iba sakyan ko. Wala naman bus deretcho SM north na galing sa house, yun FX na puntang SM North eh puno at lalo naman walang budget pang cab. hehe Jeep na may blue and red with white backgroud na sign, proj 6/sm north/trinoma, yun na lang sinakyan ko.
Napaisip ako, paano na lahat ng jeep sa Pilipinas eh bus. Cross out ang cab kasi di siya mass transport, wala naman cab kasya bente di ba? hehe Bus is the next well mass transport. Nasagi sa isip ko yun kasi may isang tong este congressman na nagsubmit something a proposal or law, to remove jeeps sa kalsada due to worsening traffic. At bulok na daw kasi mga to. Bwisit siya..
For example, ang biyahe D.Tuazon puntang C3/A. bonifacio ave, jeep na biyahe 8.50 pamasahe. Papalitan mo ng bus.. Aba ang ingay nun at grabe, ang liit ng kalsada ng D.Tuazon, kahit two lanes eh at least dalawang kotse kasya sa isang lane.. Kung lalagyan ng bus yun isang lane, nakaloko loko na.. Kinain niya na ang isang lane. At napakaingay ng bus. Geez.. At siyempre, minimum ata ng bus eh 11 or 12, ang mahal. Maglakad na lang ako puntang Lourdes. hahaha Well, first point of argument. Space of a bus. Isipin mo, lahat ng jeep for avenues or street eh bus, napakatraffic everyday! Grabe.. It will be chaotic and yun, maraming accident kasi sa mga recent road mishaps, puro bus ang sanhi.
Second, economics side. I mean, kung ipapasa yun, willing ba ang government to provide assistance sa mga drivers na madisplaced yun vehicle nila turning into well kung hindi bus, a more modern vehicle? Malamang, asa ka pa.. Wala! hahaha Sa daming kulang na pondo ng government in every aspect of what the country needs, eh eto malabong tutulong pa sila. Kung ganun, saan magwork ang mga drivers, or how to feed their families? Mawawalan sila ng trabaho. That's for sure. Saan naman sila pupulitin? At kung walang jeep, mas babagal ang transportation system which may lead to well, slowing business operations. Truck ban nga sumakit na ulo ng mga business entities, what more sa no jeeps? Kawawa lalo ang mga operator niyan din. Geez, magbabawas sila ng driver or mataas na boundary.
Third, buses are not suitable for other uses for transport. Ang jeep di lang pangpasada, pangfreight pa. hahaha Lalo na sa mga probinsya, I mean ginagamit nila ang jeep pang karga ng gulay, karne o iba pa na di naman kailangan ng truck or vans. Tipong pang small medium biz retail segment kung baga. At kaya ba ng bus mag trek sa putikan or puro graba? Malamang titirik yan. hehe Ang jeep, although malakas sa diesel, eh maasahan mo naman sa ganun daan. Unless ayusin na makupad na gobyerno natin. hehe O lalo na sa mga daan na sobrang tarik, tignan na lang nangyari sa florida bus, kahit air break eh yun, bangil ang tuloy. Ang jeep, basta matino driver, bihira naman mangyari yun. Mas bihira kaysa sa bus.
Huli, sa maraming pwede pang rason, eh national tresure na natin ang jeep. Dito lang sa bansa natin ang may ganun. Cheap at effective transport, lalo na yun dati na 1.50 lang pamasahe sa jeep. hehe From my example, aba kahit 15 mins before ng misa sa LSQC, at kahit napupuno ang jeep sa E.Rod, di ako late. hahaha Nakarating ako maayos at mura pa. Kaya yun mabuti talaga may jeep, tatak pinoy na at dapat irestore natin.
Pero tama naman ang intensyon ng goverment, one way really to ease traffic eh reduce vehicles, especially bloated ang PUV natin and of course less polution kasi sa diesel consumption. There are other ways to do it, or at least kung gusto nila mapaayos talaga lalo na sa jeepney side. Maraming magandang kapalit ang jeep, or better encourage an industry nito. I mean, pagkatapos magsara ng Sarao, at yun friend ko na may dating pabrika ng chasis ng jeep, wala na ata gumagawa nito. Kaya maganda irevive muna nila ang industry na nito, thru subsidy siguro or exemption tapos encourage na magdesign na maganda at effective na jeep. Aminin natin, halos 80% na mga jeep eh medyo delikado, I mean isang araw, nasakyan ko jeep, di lang luma, walang ilaw na sa loob. hehe At yun iba, may butas na sa galid or worse kalawang na. Kaya yun.. Marami naman tayo inventor or designer right? They can help, make jeepneys more modern at kung pwedeng fuel efficient at kung may air con not air cool eh ayos di ba. Diesel powered pa din dapat. hahaha Government of course, dapat magpaloan para sa transition if this happens. Besides pwede na ejeepney or vans na parang jeep capacity kung ganun talaga gusto nila, basta may support ng government. Iremodel nila yun harabas ulit. hahaha
Infrastracture is another thing, I mean gaya ng example ko sa taas, yun mga putikan o mabato na daan dapat patag na. Hindi dapat napupunta kasi sa ibang bulsa. Ehem. hehe Mga tulay na magconnect sa ibang barangay, or kung pwede lang underground tunnel. Dami pa, grabe, daming pagkukulang ng gobyerno sa mga daan bago pa nila isipin tanggalin ang jeep. Sa Manila lang, grabe, kung maayos kalsada at daan natin lalo sa tagulan, di naman kailangan magbawas ng kotse eh. Hay naku. Give a hand to our very great government.
Ang huli, siyempre aminin natin na napakarami talaga ng PUV, blame na din sa LTFRB. Na basta na lang nagissue ng mga linya, di nila nilimit, ayun lumobo naman. Kaya yan, sama sila sa sisi. Eh dapat may urban planner sila or at least talagang nilimit nila yun pwede magpasada ng jeep. Yun ibang linya kung di kulang, sobra naman, kaya yun ibang jeep mahina ang pasada. Mali sila ng tsantsa for short. So dapat in the future, limit nila talaga or planuhin talaga kung ilan lang pwede bumiyahe. Well sa Manila di naman talaga sila nagiissue pero sa ibang lugar na lang.
Kahit mainit at masikip na biyahe ko puntang SM North at medyo mabagal kasi trapik sa west ave. eh nakarating naman ako safe and freshed from air cool.
An usual ride from a former us army trashed vehicle.
No comments:
Post a Comment