Tapos siyempre habang naghahanap ka na pinapanood at ang pinakamalayo pang channel noon eh studio 23 pa, at may SBN 21 pa pala, bigla ako napunta sa channel na to. May E! tv shows na pinapalabas at mga trailers na pinapakita. Aba, mapanood nga. Akalain mo in sync pala sa states. Kasi ilan linggo lang yun mga trailers, mapapanood mo na dito sa pinas. Then, hollywood stories, tapos yun talk shows, naalala ko David Letterman, di ko unang nakita. Ngayon ko lang naalala. hahaha
Nung nakita ko yun ibang shows nakalagay sa wiki eh parang di ko nakita. Iskul Bukol may reruns pa noon sa channel 13 ata. At yun game shows, studio 23 at the usual channels.
Pero di ko makakalimutan, dito ko nakita yun my fave flick 2001: a space odyssey. Grabe, static pa yun signal noon, pinagtyagaan ko at yun na, di ko na makalimutan. Dahil dun hinanap ko at now, I have it, I watched it all over again and it's my favorite. Thanks to this station! hehe Not only that, may mga napanood ako na they do movie festival every week. Yun nga, Akira Kurosawa week! Seven Samurai, Rashomon, Ran, yun iba di ko napanood. Grabe in local UHF tv. hehe Galing sabi ko, sana magtagal. Tapos yun ibang hollywood classics napalabas nila, di ko lang sure yun mga titles pero sure ako may hollywood tapos pinoy din na black and white.
Grabe, yun lang sabi due to budget and low ratings which totoo nga, nawala na siya. And lalo na ngayon, may mobile na at cable, malamang malulugi sila lalo. But thanks to this station, I love the movie classics, black and white perhaps napagtyagaan ko. Kurosawa of course and yes, my love, 2001! Naalala ko, one and only time, dito ko napanood yun sequel niya na 2010, kaso di ko na collection ngayon, not worth it. Kahit nung time na yun, di ko siya trip. hehe Naging narrative driven kasi, not unlike the great one.
Wow, talagang flashback to. Grabe, naisip ko nga dati, pagwala ako mapanood na matino sa ibang channel like 2, or 7... Dito na lang ako, hanggang mag sign off.
Ah, those days na wala pang work, just study, study, play and watch tv.
Watching CTV 31. =)
No comments:
Post a Comment