Tuesday, March 31, 2015

Eye of the Beholder

Pang apat ako sa nakapila dito, parang mga 50 ata nakapila papasok. Mabuti na lang di ako nalate. Hehe Di ako magrush for 5 minutes.  Ganda pala kahit papano ang bagong building. Nung tumagal nga lang at dumami na tenants eh di ko maisip.. Bakit yun left side na lang pwede kami sumakay. Anong silbi nung kanan. Parang pangbaba lang ata or sa ibang tenant. Hmph! Sino ba sila.. hehe Ano pa ba. Medyo matagal ha. Sayang ang bagong elevator at building. Kakabanas.

Mabuti na lang, nakikinig ako sa Kings of Convenience. Cool sounds.. Sana pinanood ko sila noong nagperform sila dito. Hehe Anyway, medyo matagal ha, yun kabilang side di naman gumagalaw, at lalo naman kami na sobrang haba na ng pila. Yun dalawang babae nasa harap ko, todo sa chismax. Hahaha Parehong malalaking bulas. Yun nasa harap ko, chill lang si ate. Mukhang di naman nagmamadali. Sabagay, maaga pa naman, quarter to 8 pa. Siguro kung  5-10 mins na lang, yun mga kasama mo aburido na kasi malalate. Hahaha

Yun mga likod ko ok lang din, humaba lang ang pila. Puro mga kafloor ko. Parang wala pa sa ibang center o nagkataon lang. Nakita ko yun isang taga Teletech, grabe parang instant bad trip ang feeling. Hehe Bwisit talaga. See? Ganun agad ang reaction ko sa Teletech. Ayos din yun LED TV nasa harap namin, commercials ng mga shows ng Araneta Colliseum at ads ng kanilang food group, like taco bell and siyempre Pizza Hut. Hehe Parang yun TV na nakita ko, ok na sakin yun. Hahaha Sarap manood ng mkv or mp4 files, blu ray files.. Wow. Wag naman yun 70 inch or the one parang 80 inch ata. That’s just so much kahit marami akong pera. Hahaha it’s either, 32-40 inch LED TV or Projector. Other than that, wag na. I mean luxury TV. Kahit wala na nga net connection. Simply TV will suffice.

Sina ate sa sarap todo chismax pa din at nakita ko na yun isang elevator na pabukas na. Una na kami nakapasok, silang dalawa mukhang maiiwan pa. Eh napansin. Hahaha Pumasok bigla ang mga ate.

Sinara ko na yun elevator at may mga pesteng pumasok pa! Erghh. Ang babagal kasi. Ayun ipit ako sa loob. Mabuti na lang 8th floor lang ako. Hehe Well, agony never stopped there. Tumigil sa 4th floor kasi yun mga sasakay galing mall eh ayun pahiya. Hehe At yun 5th floor na galing 7/11 eh napahiya din. Parang MRT lang to, next train na lang. hahaha  6th floor, isa lang bumaba, galing pa sa likod. 7th floor may bumaba galing din sa likod. At sa wakas, 8th floor, parang ako lang bumaba. Pero ayun, partida kahit naghintay, dami pang oras. Daan sa locker at akalain mo yun kashare ko sa locker nandiya pa siya! 3 hours OTY?

Then enter yun drum beat ng Don’t you forget about me…

No comments: