Tuesday, March 31, 2015

Hiatus Series: Jdorama

Konbanwa!

Mabuti na lang ok na ulit yun Dramago.com. Mapapaadik na naman ako. hahahaha Sinabi ko lang sa isa sa mga friends ko what I do these days.. Writing, work, and sometimes reading at well these, watching Japanese dramas. hehe Yes, not walking dead, game of thrones or even breaking bad. How about Korean dramas or well worse chinese ones.. Nope. 

Why Japanese? Hmmmm maraming factors. But to start off.. I started watching these dramas nung nagrerecover ako. I mean just browsing the net and stuff, at dahil ako di ko naman hilig na sa US series kasi mahaba at bitin at worse, magdodownload pa ko. Korean well, they focus more into romance and some little action series but I just don't like all of them look the same. Magkakamukha silang lahat. hehe So I tried japanese dramas and dahil nagbabasa ako ng japanese news, I'm reading the ratings and some shows at asianwiki, dramawiki ayun na. Na adik na. hahaha At may jdramas.wordpress.com pa pala!

Hahaba pa ang explanation ko pero I'll give some good reasons. First, yun nga, most of the series eh maiksi lang. Ah maximum eh 11 episodes lang. Average eh 8 episodes. May series na 5 episodes lang pang weekends ata nila. May iba 7 episodes na usually panget. Nabiktima na ko. hahaha Parang 3rd episode pa lang, ayaw na nila. Pero yun iba na panget umaabot pa ng 10 episodes. See, with that parang ramen.. Masarap pag nandun na lahat at isang kain lang. Jdorama is like that, pag maganda, yun, sulit ang 11 episodes or less. May disadvantage din na siyempre bitin or parang kulang. Some of them may second season, yun nga lang next year, if tuloy. So, mabilis at ayos. Unlike Korean na mahaba with some of them parang di naman kailangan na episodes. Oh they have asadora, 150 episodes pero 15 mins each episode. Parang soap opera nila. NHK lang gumagawa nun.  

Second, it has a variety of themes na pwede gawan na story. From police stories, detectives, hospital, nurses, doctors, farming, countryside, siyempre yun usual love stories, family, action series, or even sci fi. Weird series like restaurant, food, quiz show, or even tourist destinations, or kahit law at yes, even business dealings at banks. Kahit mismong japanese language eh may series din, just finished last week. It means, parang lahat nagagawan nila ng story. hehe Interesting right? I'm surprised even Korean or Chinese dramas eh parang may kinopya sila from these jdoramas. Or vice versa pero parang mas marami ata galing sa Japan. Anyway, sanay naman tayo sa kopyahan. hahaha

Isa pa eh educational, I mean as Japanese culture is quite complicated from the language at gestures, eh matuto ka by watching a lot of this pero siyempre iba yun classroom setting. Pero nakakatuwa lang. Matuto ka din how they behave or even react at siyempre think. Kaya yun.  At lalo na yun mga medical and police series, may explanation agad ha. hehe Although of course cool tignan pag sa states pero di naman sila pahuhuli.

Discover other stars, which is very surprising. Kasi siyempre sa Japanese movies eh marami nang sikat or well known, mas marami sa TV! At nakakagulat they rarely do films than TV. Marami sa TV, eh madaya sa edad! hahaha Paano kaya sila nagmumukha bata. I mean, there is one actress, well example Amami Yuki. I can't believe, parang 47 na siya pero di siya mukhang 47! haha May series siya kasama si Takei Emi, di mother and daughter ang dating sa kin. Parang magkapatid lang. hehe Isang example lang yan. Marami pang ganun na artista na guys and ladies that looks very young at their age. Galing! hehe At yes, mashock ka na yun movie stars eh pagdating sa TV mahina ang rating or sometimes, they do support roles. Weird industry but interesting pa din. Pero may ibang stars talaga, mapa TV or movies, grabe ang rating. Ayase Haruka is a great example. 

Lastly, the production! I know, most of them overacting or minsan kulang but sa kin, ok lang. Gusto ko lang yun effor nila. To make the drama series interesting or watchable. I mean sure Koreans has good acting ability pero recently sila nagrise for that. Chinese, more into copying na din. Japanese talagang perfectionist. Acting tapos yun cinematography, ibang series kala mo film kasi ibang style or film ginamit nila. Then, yun cast and crew saka design lalo pag may flashback, di ko alam kung paano nila nagagawa yun pag 90's or backward setting, kuha agad nila, hanggang make up. Galing. hehehe Basta yun at siyempre nihonggo. 

Of course, may mga flaws naman sila at I know why they are less marketable here. Or kahit sa japan nakakapasok na yun Korean dramas. hehe Well short series won't work sa atin, especially kung ang goal ng network eh the longer the series, more revenue from ads. Unfortunately, most ng series sa japan eh like I said average lang ng 8. Well, average ng isang episode 45 mins, so pwede pa nila ihati sa dalawa, maiksi pa din yun. Usually gusto ng network at least 3 months. Parang malabo ata. Napansin ko lang. 

Isa pa, japanese has a lot of rituals which most of us don't do, or unusual. Like bowing. I mean mag bow ka ba pag nag thank you sa tao? hahaha Gawin mo dito, weird ka. Korean or chinese don't really do that. Lalo na pag nag sorry, luluhod at magbow.. No way dito. O kahit kakain, itadakimasu pa muna. Or may scene na papasok lang ng bahay, tanggal sapatos, sabi na tadai ma, then reply okairi,  if I heard it right. Daming gagawin di ba? hahaha Kaya well, unlike if you love japanese ok lang but unfortunately, others don't really want to see that. Gusto aksyon agad.

Most of the endings na jdorama are either not good or crap or bakit ganun or ok lang. Bihira lang yun grabe galing! hahaha Or bitin.. Yun napansin ko sa ibang series. Kabad trip nga yun bitin kasi aasa ka sana may second season, taon na bibilangin mo or wala na pagasa. Mga ganun ba. So yun. Yun iba talagang sana kahit kaunti ibahin nila. Mga ganun ba. Ok na tapos sa huli medyo maiiba pa.
Hay, gusto ko pa magsulat pa about it but hahaba lang ito. hahaha Pero I'll give some sites to check about jdorama. Ah by the way, dami ko favorite pero I refer yun mga series na pinapalabas nila ng 12 midnight. Grabe, lahat ng series ko nandun. Dahil siguro sa censor pero di naman censor, medyo mature kasi ang topics pero safe. hahaha  Sample na gusto ko last year, Suteki na sen Taxi. Must watch! Cool series, sana may season 2. Ah sample ng midnight drama  na una kala ko primetime, Shinya Shokudo. Galing na drama. Napaiyak pa ko ng ilang episodes dun. hehe Except for one series pero panget ang gawa, mosaic japan!Buti na lang 5 episodes lang ang bwisit. Eto na yun mga sites, actually pati chinese at korean fans naku matutuwa dito. Pati films pala kung buenas mayrun din sila.

dramago.com/dramagalaxy.com/gooddrama.net - iisa lang yan pero updated at pinaka gusto ko kasi sa lawak nag database. Grabe, kahit luma kung buenas ka eh nandito. Kaya after magshut down ng isang linggo, great at bumalik. hahaha may back up pa, gogodrama.org. May favorite site dahil marami ako nadiscover na ok na jdorama. 

dramanice.com - di siya lawak ng dramago pero grabe, kung addict ka talaga at gusto mo bago at raw meaning ilang days pa lang, kapapalabas lang sa japan this week, mayrun na sila! Wala lang subs. haha Saka yun iba sa dramago na wala, mayrun sila dito. Nakakatawa, pati pinoy films mayrun dito. Dito ko nga napanood yun this thing called tadhana. hahahaha Tipid! Yun nga lang pag raw minsan di na nila update to sub. Tiyaga tiyaga na lang kung maintindihan mo. backup niya dramacrazy.

myasiantv.com - well, wala siya malaking database like dramago, at lalo naman medyo delay siya at di advance like dramanice. Pero ang ok sa kanya, films at quality ng series. I mean HD format, kaya pagpinanood mo sa cellphone, lalo pag highend smartphone mo, sulit! HD. hehehe Yun nga lang pag bago talaga yun load nila, medyo panget pa yun subs, nakabox pa sa black. I sugges, wait mo ilang weeks para gumanda yun subs. Maganda kasi yun sulat ng subs nila. hehe 

Yun lang. Although kahit masakit pa din that time at matagal ako gumaling physically after ng operation, eh di naman ako malungkot, masaya naman ako lagi thanks to jdorama. Dahil diyan.. Bumili na ko ng nipponggo book. hahaha

Arigato gozaimasu! 

No comments: