Mukhang sa ngayon, naghahabol ako sa post, paano kasi nagkasakit ako pero mabuti nakayanan naman at ok naman ako. Saka adjust pa sa DST tapos na. Mas maaga ang pasok at dumami trabaho pero may petiks time pa din.
Pesteng CLE to, lumalakas, yun MEM ko nadali. Pero grabe yun ATL at GSW talaga, mukhang magtatapat sa finals. Don't worry, may playoffs pa naman para malaman yan. hahaha SMB, from philippine cup champs to bora cup champs. Back to back! bwahahaha
Ergh.. Tagal naman ng sweldo. Ah, malapit na pala holy week. Di ko alam kung ano pa plano ko pero dalawa ang sure na gagawin ko, Grand Easter feast at maglinis. Pangatlo pala, magpahinga. Yehey..
Ah, naisip ko din, since dual monitor na sa office, kala ko nung una pahirap, pero actually malaking tulong pala. Naisip ko, parang maganda kung dito ko din gawin sa bahay. hahaha Multitasking na talaga! Isang monitor nanood ng films/series tapos yun isang monitor pang trabaho. Multitasking as it's living myth. =)
Akalain mo, after 3 or 3 and a half days of hard work, almost more than a day of petiks. Well balanced. hehe Kakatawa ang mga trabahador ngayon, advance bakasyon for holy week. Nakita ko sa news, fully booked ang bus ngayon! Aba, ang aga naman ng VL! hehe Grabe.. Sana ako din. Itong Ginebra kala makakaulit sa ROS, makikita nila bukas, pilay este giba sila kay Belga. hehe I kinda love this cheap yet effective wireless from Rapoo ha. Tama nga reviews, at their tag line na pag wireless, mukhang go for them. Although yun mouse medyo hirap ako, I can blame naman yun surface ng computer table ko. Heller, dekada na at may bukol na ang leather nito. hehe Dapat ang surface pag wireless at optical eh gaya sa office table. Ano kaya tawag dun?
Darn, may storage is almost thin na. 50 GB left.. I'm anxious. hehe Wala muna anime series getter. Mauubos eh, o kahit blu ray films. Mukhang tyaga tyaga sa mp4 format. hahaha Grabe ang Meizu M1 note, sa sobrang big hit eh kahit saan wala na, even sa lazada, ubos. Nung nakita ko siya, aba mukhang sulit pero bad trip kasi ang 16gb storage. Pero naisip ko parang kaya ko pagtiyagaan. Hinihintay ko na lang gsmarena review lalo na sa sounds.
Tinapang lourdesian broken lines ko, kala ko kaya ng isa, kaya yun, itutuloy. hahahaha Di kasya sa isang entry. Grabe, love and hate ko talaga, very very deep. Yup. You know why..
What to do these days off? Laba, linis, sulat, kaunting pahinga. Nood ng jdrama. Isip. Grocery with him. Sana dota kahit isa. hahaha Oh the feast.. Read. Eat. Love. Pray.
Sleep. Rest. Ah sorry pahinga na pala yun.
No comments:
Post a Comment