inaabangan ang retreat, dahil di lang makakabakasyon na ilang araw..
Malalaman ang lahat-lahat sa inyo mga kaklase!
At higit sa lahat, kanyang kanya ang kalokohan! hehe
Ikaw ay isang Lourdesian,
pag field trip na, maaga naghahanda at isip na kung sino makakatabi!
Walang iniisip kung mag enjoy at maglibot libot..
Bonding sa kanyang kanya barkada.
Ikaw ay isang Lourdesian,
bagot na bagot pag pagraduation na, dahil puro practice!
Kanta dito, san pwesto ng upuan at higit sa lahat..
Huling araw makakasama ang iyong mga kaklase.
Masaya dahil tapos na, malungkot dahil may mga kaibigan kang malalayo sa iyo..
Salamat sa pagiging Lourdesian,
dahil kahit pinagkakamalan na taga Manda ka, nagmumukhang mas magaling ka kaysa mga taga Manda. Peace! hehe
Magaling sa math, kahit di naman magaling nung HS, at iba pang subject na akalain mo dahil sa hirap na pinagdaanan namin sa QC..
Magaling kami sa college!
Salamat sa pagiging Lourdesian,
kahit nabully ako nung HS, pagdating sa college, halos di na ko nabully..
Naging medyo sikat pa sa classroom at ehem, napalapit pa sa lalo sa mga babae, kahit di naman coed sa batch namin! hahaha
Salamat sa pagiging Lourdesian,
mas marami ako naging kaibigan nung college pero sa HS ako nakilala ang mga malalapit at tunay na kaibigan. Kahit tatlo lang sila, pero sa pagtanda, isa sila sa aking kinakapitan..
Kahit di naman ko malapit sa kanila nung HS, naging malapit lang dahil sa pagaalala ng mga araw sa Lourdes!
Salamat sa pagiging Lourdesian,
di ko alam kung ang iba eh napahalaga ito,
pero dahil sa Catholic and Christian values na tinuro, kahit napalayo ako ng landas..
di ko nakalimutan mapadaan sa simbahan, magdasal na taimtim at lumingon sa GS grounds...
Napapasaya kahit papano, na ako pala, talagang isang Lourdesian!
Siyempre, daan daan din sa HS at Aling Lourdes.. =)
No comments:
Post a Comment