Hay mabuti naman nabago na nila sistema ng ID, at good looking. Yun lang, mabigat sa bulsa. hehe Naabutan ko pa yun old process na kailangan pumunta ng maaga tapos may limit lang ang pakuha. Kung di ka pa malas, sa main branch ka pa magpapakuha ng litrato. Mabuti na lang maayos pa yun kuhanan dito malapit sa amin. hehe
Well, hanggang ngayon nagagamit ko pa yun old ID at nakatago lang yun bagong ID. Not bad yun bagong ID, mukhang lisensya, at pwede pala integrate yun HDMF details parang isang ID lang. Actually, wala naman pinagiba sa bagong ID, ibig ko sabihin sa steps. Ang maganda nga, dahil Philpost na yun nagpipicture eh kahit saang SSS office pwede magpacapture ng picture.
Ang problema lang, eh pag magapply ng ID, fill out ng form tapos pakita yun E1 ata. Yun pink form.. Ok lang yun, pero ang ayoko, pag may lumang ID ka, kailangan surrender mo yun luma! Noong una ako naginquire, grabe, parang nagdalawang isip ako. Paano kasi, ang hirap ko kunin ang dating ID tapos, isurrender lang. Grabe.. So, may suggest itong officer na pinagtanungan ko.. Pag may affidavit of loss daw, pwede na.
Eh dahil mahal ko yun ID ko, at dahil naisip ko kung gaano ko nahirapan kumuha... Eh, kumuha ako ng affidavit at nagapply na ng bagong ID. Wag tularan! hahahaha Fill out ng form, tapos wala naman pila at picture na. Kailangan nakacolar. At higit sa lahat, 300 lang. Sa kin 400 ginastos ko. hehe At least, dalawa naman ID ko.
Papadala na lang sa regular mail yun ID at nakuha ko naman after 2-3 months at nung nakita ko na, ang ganda! Kaya nakatago lang siya. At dala ko lagi yun SSS ID na luma for reference purposes. Sulit! Well, kahit mawala yun luma, ok lang. Pero ayoko mangyari yun for now. hahaha
Simple lang ang steps, medyo gagastos lang talaga at sulit pag nakuha ang ID. Nasa iyo na lang kung gagaya sa kin. =)
No comments:
Post a Comment