Saturday, May 30, 2015

What If..

(computer science ang take ko instead of BA)

That's a big if! hahaha Siguro kung ganun... 10 years na ko nagwowork sa isa o dalawang IT company. hehe Paano kung pumasa ako sa second choice ko na com sci! Malamang sa old building ako mapupunta at malamang din... Sorry to sound offensive, malamang puro geeks kasama ko dun. hahaha At yes, malamang tag tuyot dun. Although ang college of science masasabi ko na medyo quality ang mga lady students dun. Yun nga lang ang quantity, ehem. hehe For short, mas ok pa sa building namin. haha

Kaso, yun lang naisip ko, puro aral ito. Malamang ang mga kaklase ko, kaunti lang yun pakwela unlike sa BA. Pero mas gusto ko kasi yun computer science or programming, transforming into a computer geek of sorts and mostly memorize na ang computer and basic programming ng mga languages. Bonus hacking skills pa. hahaha Sarap nun, siguro naman may kalaro naman ako sa computer games noon. Unlike sa BA, counterstrike lang at NBA live lang mga pwede kalaro ko. 

Siyempre, ang problema ko mga subjects siguro puro science! I admit at nasabi ko naman kaya di ako pumasa dito eh 73 ang score sa science entrance exam eh. hehehe So physics saka malamang yun lang. Bad trip baka puro physics ang mga subject dito! 

Eh kung ang lab puro pang computer, kaya na! ahahaha pasado na to kahit hanggang thesis.. That's how I love computers. Geez.. Baka nga today apps na binubuo ko which is not possible. What else, hmmmm malamang college pa lang may computer na ko or laptop. 2006 ata ako nagkaroon ng sariling computer! hehe So pag computer science eh magastos sa una, sa huli parang hindi. Unlike sa BA, puro gastos!!!! Lalo na pagraduating na!

About the uniform, sa ladies ok lang, sa guys like me, mas respetado.. I mean, kaysa naman sa uniform namin na parang PSG di ba? hahaha Hmmmm malamang dahil puro aral ito, kaunti lang un mga good time. Mukhang yun ang mamiss ko! Umaga pa lang, inuman na o bilyar na. hahaha At gimikan din sa gabi. Mukhang di ko kaya mawala yun ha. Pero malay mo, nasa loob din ang kulo ang mga might have been com sci classmates. 

Ah oo nga pala, malamang kaunti lang kami, unlike sa BA na kilala ko lahat ng pang umaga, kaunti sa hapon at mayroon pa sa gabi. Pero malamang close ko lahat ng kabatch kasi kaunti lang naman. 

Ang tanong eh, magiging close friends ko lahat gaya sa BA? That's a big if.. I don't know or don't have a clue kung sino yun mga kaklase mo. CRAP malamang nandun pa din lalo na si Doc kabuilding ko. hehe Pero marami kaya ako friends niyan? 

Well, di ko masabi kung magiging masaya ako kung talagang natuloy ako dun pero ang sure eh...


Masaya naman ako nang galing ako BA. =)

No comments: