Actually, napadaan lang ako sa series na to. Marami pang series yun inaabangan ko at the start of this year pero napadaan na ko dito. Saka eto yun series na mabilis magupload ng raw at subs sa mga streaming sites. hehe Saka interesting na din yun story, about sa novel writing.
Tono Risa ay isang successful na novelist, most of her books were hits except yun mga recent novels niya. Pressure na yun publishing company sa kanya to come up with a great novel or else.. Kawahara Yuki is promising writer, she has skills at lagi siya sinasabihan na pwede siya gumawa ng novel kaso di siya makapagdebut, di siya nanalo sa contest. Of course, idol niya si Risa which made her into writing.
Then, Yuki submitted her new piece sa editor at nagustusan niya yun work kaso ayaw pa ipublish as advised ng editor in chief. Dahil naghahanap na ng assistant si Risa, eh kumuha siya at nagkataon na dahil yun editor eh friend din niya, Yuki was referred na maging assistant ni Risa.. Then, that were the chaos began!
I thought, intially na 8 episodes lang siya kasi sa gitna parang fast forward na pero well natapos siya in 10 episodes. Ang galing nung unang scene na parehas si Yuki at Risa halos ng suot tapos nagsasabunutan sa gabi, umuulan. hehe I was curious after that.
After the series, hmmmm una ko napansin na not good about the series eh una, sana pinakita man lang yun mga novels or paano naging magaling silang writers. They show those visuals or reception ng tao or sales, but not really how they write. Sabagay, you can show naman that they are typing at yun mga visuals na katakana pero sana may scene na pakita about the book. Re-enactment kung baga. Di naman mahaba yun, pero malamang tipid sila. hehe Isa pa, ok yun na plot, ayoko ko lang yun point na after nila magsiraan, sakitan at bad stuff, bigla sa huli, sorry for the spoilers, magsama sila to make a great novel. Ok sana yun, kaso agad agad. Sana pinatagal nila ng taon. hehehe Well, yun love interest or fiance ni Yuki sana yun na lang nakatuluyan niya, kaso nagbreak at yun editor na gusto siya eh wala lang, di na nag grow. Sayang. Actually, more on plot holes talaga saka rush na to. hehe
What stands out naman is the cast. Bagay yun cast for the stars, dito pala nagstart ang paghanga kay Mizukawa Asami and Nakatani Miki. Miki is perfect as Risa na sobrang perfectionist and fragile din. Pinakita niya yun at favorite ko was yun scene na nasusunog na yun inn, eh nagpaiwan siya, ayaw niya na talaga mabuhay kasi sa mga nangyayari sa kanya. Galing ng acting niya dun. Asami as Yuki, well, not perfect pero just right for her role. Although split ang time ni Risa at Yuki, I can't say na sino bida or kontrabida eh galing pa din ang ginawa niya, made her presence felt saka nadevelop niya yun character na from hopeless writer, to a great ghost writer at yun na bully na siya ng press hanggang ending. Dahil sa role na yun, hinanap ko yun ibang series niya. hehe Then yun ibang cast, just right except sa editor na friend ni Yuki. That character was confusing at irritating but great thing, well important siya sa story. Malaki silbi niya. hehe Another actors stand out eh si Nanao, iba talaga dating niya kahit maliit role niya and Tanaka Tesushi, lagi na lang effective yun role niya. Every jdrama na nakikita ko siya, magaling siya. Baka inspired na din, asawa ba naman na ni Nakama Yukie eh. hehe Ah don't forget the catchy intro song.
Saka nagustusan ko din ang plot. Lalo na about writing and how they decide, grabe new writer's contest.. Parang wala naman dito na ganun. I mean mayroon pero di naman lagi. Kaya parang kahit very competitive sa japan for being a writer, at least publishing companies giving out a chance sa lahat di ba. Saka, parang ok yun ganun buhay ha.. Just write, and if it's a hit, then rest! Write again pag may naisip ka na at deadline pa. Hmmmm Parang ok nga yun ha.
Anyway, there were a lot better series than this one for this season pero I enjoyed watching at waiting for each episode. Mag ghost writer na lang kaya ako? At least, I won't be dealing that fuzz and hassle sa gossips. Pero naisip ko..
Lugi nga pag ghost writer. Better to write on your own under your name. Not write for other's well being. Look at Yuki at Risa, sa huli, sila din ang lugi.
No comments:
Post a Comment