Tama ang hula ko na matatapos itong Asadora na to kahapon. Well, nireplay pa nila yun last episode kaninang umaga. hehe Ok, I will not really review the whole thing again kasi nagawa ko na. Check na lang this link ok? https://reyes2alfred.wordpress.com/2015/05/26/jdorama-amachan/
I'll just give my 2 cents why this asadora as turned out, had low ratings. Kala ko nga eh masusundan pa ng isa pang series or asadora but well, when you have 1% or 2% highest rating, mukhang malabo. haha I'm just sad for the NHK dudes who tried their best to promote this one but I think, it did not work out or they chose the wrong partner.
I don't know. Well, tignan natin yun mga mali. Una, yun subs! Siyempre tagalized pero anak ng tinapa, when I watched the original at maraming nakalagay na cast, di nakalagay dito! Di ko alam kung sinabi ng NHK yun or tinamad un nagsub. hehe I know it's not important pero well, people should know at least all the cast or crew. Sabagay sa Kdrama naman di naman uso yun. hehe May mga episodes na ilang name lang pinakita eh ok na. Pangalawa! dubbing! Ah hindi naman yun voice dubbing panget, magaling un dub lalo na nagagawa nila isang tao maraming characters yun nagawa niya. Medyo halata like kina Aki and Yui. Parang isa lang nagdub. hehe
I mean, yun lakas ng dub parang sobra ata. Usually parang yun audio volume masyado natakpan yun original sound. Pero tama yun ginawa nila na pag kantahan na, di na sila nagdub. Mahirap. hehe Hmmm sana pala pag pangalan eh last name muna. Although they did it first then last name, eh para lang masanay ang tao, last name talaga tawagan sa japan right? Pero yun natsu bappa na translate to tandang natsu, tama yun. hehe Saka ano pa...
Last, signal reception. I mean, geez, tv5, any chance to improve reception. Di tuloy nakita ng maigi kung gaano kaganda si Hashimoto Ai! haha Sorry Nounen Rena pala yun bida. hehe Ang ganda kaya sa original lalo kung maganda quality. Kaso wala, ang panget ng signal dito sa min. Nawawala. Kaya yun malamang kaunti lang talaga manonood nito. Sad.. =(
Two things naman ang ginawa nilang tama! Dubbing eh tama lang. Almost all the characters para fit sa dub at hindi naman OA. From Amano family, si Taneh, saka si Yui, Isson, saka tandang Ben ha. hehe Saka halos lahat naman tama. Ang di lang tama sa kin, parang masyado matanda si Futumaki. Eh sa original, middle age lang boses niya. Halos lahat ok naman. Ah yun GMT 5, halos pare pareho boses. Eh sa original, iba iba sila, lalo na si Shiori!
Last! Ah yun pag kantahan nila, talagang no dub. Original talaga saka yun translation, nagawa naman nila ng tama kahit may mga idioms dun na di nakuha ng mga viewers, di nila iniba. hehe
My comment sa halohalo cafe? Ah hmmmm ok lang. Di ko naman sinundan yun, nasundan ko lang yun pumunta sila ng Japan. Kala ko nascout sila sa akihabara ng ibang agency. hehe Pero sana pumunta sila mismo sa Iwate. Kaso tight budget ata. hahaha Pero kung tuloy yun MNL48, dapat nandun na yun 5 na to. hehe
Anyway, yun lang, malamang wala na kasunod ito. I'll be surprised kung yun NHK eh sige pa din. Kinuha nila itong tv 5 kasi sa halohalo cafe. hahaha Pero sa NHK broadcast wala naman yun saka 6 times a week ang asadora, 2 times a day kasi replay, ah sorry 3 times pala sa cable. Hmmm I hope they try more and in a different station. Not this station lalo na kung di magimprove ang signal. Bad trip lang.
Some additional facts! Self discovery..
- Yes, mukhang mas matanda si Yui (Hashimoto Ai) kay Aki (Nounen Rena) sa series. But in real life, mas matanda si Nounen. Forever na ata ganun ang mukha niya. 2 years lang naman ang agwat nila. hehe
- Theme ng series is half Ama and Idol culture. Maraming stars dito ang related sa Idol Culture gaya ni Koizumi Kyoko(top idol nun 80's), Yakushimaru Hiroko (idol din like Kyoko), Matsuoka Mayu (number one fan ng Morning Musume na ginagaya niya lagi) at yes, Koike Teppei (other half ng WoT).
- Number one reason bakit masaya lagi ang theme ng asadora na to,check Jun to Ai, asadora before Amachan.. Geez, very down yun theme niya until the last episode! hehe
- Nounen Rena, before Amachan, wala siyang notable TV series cast. Mostly super supporting cast or guest lang siya. Very lucky lady at siya napili na bida! After that, puro films siya at until now.. Wala pa siyang TV show again. Weird.
- Ah yun nasa end ng show na white screen na may logo ng amachan, sa original hindi ganun. It shows different people per episode na nakatira ata sa Iwate at ano work. Yes, for 156 episodes, iba iba yun pinakikita nila.
- Pagkatapos ng amachan, Gochisousan na. Main actress si Anne na anak ni Watanabe Ken. At yun asawa niya dito sa story si Higashide Masahiro na in real life, asawa niya na at kambal pa ang anak. hehe Story? Puro pagkain in WW2. I did not watch it. 6 episodes lang, ayaw ko na. hehe
Yun lang, ah.. Yes, sana may asadora ulit here, baka pwedeng iba channel na lang. hehe =)
No comments:
Post a Comment