Wednesday, May 25, 2016

Ring! Ring!

(QC last part)

Ahhhhh Eastwood at Cubao eh mga lugar na napakasaya magtrabaho. Ibig ko sabihin, kung walang trapik, nandito lahat ng kailangan mo at luho. hehe Mabuting example yun Eastwood, kasi may balanse eh, may pang maarte o class tapos may sulit na part. Dati kasi pag narinig mo Eastwood, sosyal! hahaha


Pero pag napasyal mo na at medyo nakalayo ka, may mga sulit na lugar naman dito. The best eh Intrepid! Nakakamiss yun lugar kahit medyo dugyot at minsan makalat. hehe Pero yun mga pagkain dun, sobrang sulit! Yun isang lagi ko kinakainan, naku 60 pesos lang, boneless fried chicken with gravy at kanin!!! Sulit! Tapos, naku ang Kalburger!!! 150 na sobrang laking burger na pagkatapos mo kumain, next week ka na kakain ulit na burger. hahaha

At siyempre, ang pinakapanalo, Brown Paper Bag! Araw araw ba naman, iba iba ang putahe at may mga staff pa na makulit at masaya. Nakakamiss talaga itong lugar na to. Ingat lang pre, basta wag kakain dun, lunch time at payday, kasi iwas away sa mga lassengero dun, di ko alam may nagaaway lagi. hehe 

Ah siyempre, wag kalimutan ang MDC 100... Dati may food court ito kaso dahil sa taas ng upa, nagsara agad. hahaha Pero may mcdo at Mercury Drug para sa chichirya at inuman na mas mura pa sa mini stop! Pero pag payday at may pera ka, Tropical Hut! hehe

At lalo pag marami kang pera, tambay tambay sa look ng Eastwood at marami ka mahahanap! Yun Cybermall may mga mumurahin na bilihan at tambay din. Tapos yun gitna naman, puro kaininan at waskan, este inuman, Distillery ba naman.. Ah sino naman makakalimot sa Something Fishy! Kilala sa murang buffet. At siyempre, wag kalimutan ang cinema na sobrang sarap manood! Kahit maliit yun upuan, eh maganda yun sound, atmosphere at audience din. Kung malapit lang dito yan, edi dun na ko lagi nanonood. hehe

At pag may date, malamang dalin mo na sa Eastwood Mall! May halo siya high street at siyempre mamahalin restos na pang date naman. YUn nga lang wag matagal, yun tamang tambay lang. Johnny Rockets pa pala!!!

Ano ba malaking problema ng Eastwood? Traffic.. Lalo pag holiday season na, wag ka na pupunta dito, kahit madaling araw!!! Di ko matanto na habang tumatagal eh lalo tumitindi ang trapik. Paano pa yun nilagay nila stop light sa gitna tapos ang hirap sumakay ng Jeep! Pupunta ka pa ng Fort kung papayag sila. Yun  rush hour dito para na din Makati, pero mas ok naman dito kasi malapit sa kin. hehe

Quezon City sa kin eh napaka ok mag trabaho. Kahit matrapik eh lahat ng commercial spaces na may mall eh may BPO na. SM north may CVG site tapos yun tapat nila puro BPO building pa. Yun ETON, Araneta at yun nauna sa lahat Eastwood.. Lahat ng lugar na yun kung dun ka work, masaya kasi ang lapit sa lahat. Kaya yun mga huling trabaho ko, malapit na sa bahay!

Kasi paano ba naman, paglabas mo, tambay pwede o kain o minsan, bumibili ka! Malapit sa mall, restaurants at inuman. Kung buenas, eh Araneta Colliseum pa. hehe Di pa gaya ng Makati na wala pang isang oras, nasa bahay na ko. Home sweet home nga. hehe 

Pero kahit ganito lahat, di siya number 1 ko.

Ang number one ay!!!!

No comments: