Friday, May 13, 2016
DOTA Heroes!
(Goblin Shredder)
Yes, may naisip na naman ako pang fill ng blog. Dahil sa dami ko practice sa DOTA 1, eh nakakarami na ko ng heroes na practice. Nakakalungkot lang, siyempre di maapply sa totoong laban dahil well, di naman ako ganun kaaddict at lalo naman wala nang C.R.A.P DOTA nights. =)
Sometimes, eh para mawala ng stress or malibang.. Eto lang muna ginagawa ko, me against AI's team. hehe Ah yes, di ko pa download yun D.O.T.A 2 dahil sa dalawang rason. Una, baka maaddik lalo at di na magtrabaho! Pangalawa, ah may inaayos ako sa computer ko ngayon.. Kaya pag stable na OS and software ko sa computer, eh dun na ko kampante maglagay ng DOTA 2.
Word of caution, please do not copy yun mga builds ko kasi against AI lang to at not in a competition setting. May mga ibang site na pwedeng tignan ng strategy. My best source, DOTA fire! Thanks to them, at grabe, kahit DOTA 2 yun tips nila, sobrang effective sa DOTA 1, mga 90% accuracy. hehe
Bakit eto ang unang hero nilagay ko? Wala lang. Para maiba. hahahaha
Yes, pag tinignan niyo siya sa laro, parang ungas. Ang bagal, saka nakatanga lang. Lalo pag unang laro mo sa kanya, parang pakain lang sa kabilang team. hahahaha Bakit ko siya nilalaro? Naweird lang ako sa mga abilities niya saka naintriga lang ako paano mananalo itong walking slow tree cutting robot? hehe
After some practices, grabe, top 10 or 5 hero ko na siya! hahahaha Early built, hmmm basta bracer at boots of speed lang muna. Tapos siyempre puno at healing salve. Level 1, 3, 5, at 7 yun gitnang ability, parang attack on titan move. hehe Level 2 tapos 13, 14 at 15, yun 3 ability niya, basta pag tinatamaan siya, malakas regen at stocking armor. Grabe sa una parang may ring of health ka, pero pag nakatodo, parang may tarrasque ka. hehe Lalo pag naka Cuirass na! Yun unang ability, level 4, 8,9 at 10! Yun robot magiging parang tree cutter. Pag nasa puno, may slow damage pa. By the way, yun unang ability at yun gitna, pure damage, kaya walang silbi yun less damage items. Masakit. Mabilis pa mag cooldown!
At ang pinaka gusto ko na ability niya, level 6, 11 at 16! Chakram!!!!! Isa siyang parang remote na malaking blade na may damage per sec saka 50% slow! Una, kala ko walang kakwenta kwenta ability, pero pag alam mo gamitin, kawawa ang range heroes sa kanya. Lintek ang range! Kahit di ka pa nakakalapit sa target mo hero, ubos na buhay na kalaban! hehe Basta malakas mana regen mo, walang problema dito. Maganda pa sa kanya, pag na launch mo na siya una at tumagal, babalik sayo at launch mo ulit pang huli. Saka kahit naka invisible ang kalaban, huli pa din. Panget lang eh di ka makakasuntok pag naka chakram. Kaya gagamitin mo agad yun ibang abilities!
Ang mid build, hmmmm perserverance, tapos dagon para match sa chakram. Hmmm magpalakol para maka creep hunting.. Saka yun drum para medyo bumilis ng kaunti. Ah, don't forget, arcane boots! Malakas sa mana tong hero na to kaya kailangan yun mana laging meron. Final build, eh Radiance lang at Cuirass, makakapatay na to ng tatlong hero kahit di ka pa nakakalapit. hahaha Saka upgrade ng dagon. Kung kaya mo dalawang Radiance, ayos! Pang chakram kasi ito. Habang naka chakram at nakatanga ka lang, bawas damage pa din yun kalaban. Dagon yun pang huli kung kailangan! Ah eto pala, importante bloodstone! Para infinite chakram at mana. Pag sobrang tinatamad ka na, chakram na lang isugod mo. hehe
Ganda di ba? Pero marami siyang downside. Una sa lahat, di siya madaling icontrol. Matagal ko pinagaralan ito, lalo na yun mga abilities niya. Grabe yun 2nd ability niya, hit or miss. Pero pwede din siya pang takas! hehe Kaya pagaaralan mo siya. Kung kaya mo na, dapat ang attack strategy eh chakram, 2nd ability tapos yun first. Pag buhay pa, refresh chakram, 2nd ability tapos ganun ulit. Mahirap explain dito pero masanay mo lang yun abilities niya, ayos na.
Isa pa, pag sobrang bilis or agility yun mga kalaban mong hero, wag mo siyang gamitin o maganda, iwas na.. Lugi talaga, lalo na sa una, napakahirap gamitin lalo kung traxex or kahit mortred lang kalaban mo.. Lugi ka pa din. INT basta medyo lalayo ka lang, wag malapit kasi lugi din sa una. Sa strength, gagamitin mo lahat ng abilities talaga. Kaya yun tyaga tyaga. Mabagal siya gumalaw at yes, kahit sapak.. Grabe, siguro yun kalaban mo naka 3 attack na sapak, kaw isa pa lang. Hehe Kaya ganun kailangan mo ng item like dagon/radiance.
Huli, grabe swapang sa mana. Lakas gumamit ng mana dahil mahal lahat ng abilities niya.. Kaya sa una tsantsa ka muna ng mana hanggang maka boots at perse ka na. Magmatapang na pag bloodstone na. hahaha
Maganda sa kanya, pang team or push pwede. Kung team, basta bato lang ng Chakram sa team fights, magslow down na lahat ng kalaban. Pang push naman, mana lang kailangan kasi pang offense at takas! Anyway, sarap siya gamitin pag tagal, parang flame spirit lang siya. Kaiba lang niya sa flame spirit, malaki buhay saka matibay.
Yun lang sa ngayon.. I'll think sino pa yun isusunod ko. hehe Kahit ako nashock na ganito pala siya kalakas. Di ko pa nakikita na ginamit sa tourney to. Mahanap nga sa youtube. Saka sa DOTA 2 pala, pag naka specter pala, dalawang chakram? Anak ng tinapa..
Madaya! hahaha Underrated..
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment