Wednesday, May 25, 2016

Iron Piston Xiaomi In-Ear



Siyempre, kahit sabi ng ENT eh medyo iwas na sa in-ear headset, di mo rin maiiwasan na mawala ang music sa buhay sa matagal na panahon.



Well, bumigay na yun 2 pares ko na Philips headset after 2 years. Sobrang sulit. hahaha So naghanap ako ng bagong headset, in a tight budget saka yun tama lang sa phone ko na flare 3. After some searching at OLX and reading some reviews, I thought of buying this Iron Piston in-ear by Xiaomi.




May Piston 3 na nasa market, at nakita ko na sa store, nagtanong ako at ang hirap maghanap pala. Pero sa reviews mukhang mas panalo itong Iron Piston, kaya order na ko. Although it's a bit expensive pero mas mura ng kaunti sa Ministry of Sound na headset. Pagka order ko, aba bilis dumating, 3 days thru LBC ayun na!


Very economic package o yun box. Parang tatlong page nga lang yun booklet. Kala mo nga fake. hehe Then weird yun design niya. Unlike yun mga previous in-ears ko, yun headset direkta na agad, wala na masyadong design. This time, malaki yun in-ear saka weird yun design at may mic and controls pa. Mahaba din ang cable at mukhang tatagal.




Enough of that part.. Siyempre ang importante parte eh yun sounds! Sa una di ko matodo o maburn kasi sa condition ko. Pero pagtagal, ayun na, narinig ko na ang dating ng headset na to!




Grabe, ito yun pinakasulit! Sa sobrang lakas at clear, di ko matodo sa flare 3 ko na smartphone. hehe Saka parang di ako makapaniwala na wala naman music enhancement yun flare 3, ang ganda ng tunog bigla. Kaya yun mga dating headset ko walang sinabi. Yun bass niya grabe, sobrang lalim, tapos ang linaw ng voice sound.. Never before! For example yun Sinnerman, sa mga dati kong headset, kailangan di nakaset yun equalizer ko sa bass set up kasi di ko marirnig si Nina Simone.




Sa headset na to, rinig ko lahat, from bass to Nina's powerful vocals, ayun na, di na kailangan ng equalizer. Grabe, nakakaaddict. hehe




Ang problema lang niya eh yun design ng buds, medyo magulo. Unlike sa mga dating ear buds, kahit walang L and R, eh ok lang.. Dito kasi medyo nakakailan, baka kasi mali pasok ng buds. Pero nakita ko yun L and R, sobrang itim kasi. hehe Saka yun design, nakakatulong pala para fit sa tenga yun mga buds. Unlike kasi un mga buds dati, ah nahuhulog minsan o pag nabagsak, sira. Eto malamang at nangyari na, nabagsak ko at parang wala naman nangyari. hehe




Maganda yun controls niya kaso pang volume lang. Sana may track change din kaso kahit wala ok lang, eh sobra na ata yun para sa presyo na. hehe I like yun combination na black and silver! Parang mukhang mahal. hahaha




Ang galing ng Xiaomi na ginawa nila ito, at least di lang sila kikita sa smartphones lang kung hindi sa accessories din. Tuloy nila ito sa talagang budget HiFi audio ang in ear nila. Kahit mawala ito, eh ito pa din kukunin ko in the future dahil sa sobrang sulit sa presyo. Talagang bang in the buck!




Pag may funds na eh kuha na ko yun mga dual driver or kung talagang mayaman, quad driver. hehe




Grabe, nung nilagay ko ito sa new phone ko, parang sobrang di niya kinaya. Parang ibang headset ang kailangan ng new phone ko.. Well, I can't blame this Iron Piston..




The new phone is..

No comments: