tumitingin sa labas para lahat ay maglaho..
Ako'y nag-iisa.
Ako lang ang kumakain, malayo sa iba.
Sa dako roon tumitingin nawa'y masaya sila..
Ako'y nag-iisa.
Habang naglalakad sa mataong lugar,
iba'y masaya, iba naman nagmamadali o balisa, habang ako'y tulala.
Ako'y nag-iisa.
Sa aking mesa ako'y nagtratrabaho ng mabuti,
samantala ang mga katabi ko ay nag-uusap, kwentuhan, intrigahan, at kaguluhan walang katapusan hanggang uwian..
Ako'y nag-iisa.
Nang ako'y nawalan, nasaktan o kahit simpleng kahinaan,
mahirap humagilap ng tulong galing sa taong malapit sa 'yo. Dahil kanya kanya na ang kinagigiliwan.
Ako'y nag-iisa.
Kuwarto'y tahimik, kay sarap ipikit ang mata at maging malaya..
Walang gulo, problema at kahit delubyo, dahil ako'y tahimik, at nagpakalma.
Ako'y nag-iisa.
Nais ko man di mag-isa sa buhay, mailap na mahanap ang pag-ibig,
bagama't ako'y di nawawalan ng pag-asa, ngunit pansamantala, kailangan maging masaya nang walang kasama..
Ako'y nag-iisa.
Kung dumating ang panahon kahit ako'y may pamilya na, at naging matagumpay sa buhay,
Lahat ng ito, kung di ngayon o bukas, pwede maglaho, sa pagharap sa maykapal, nawa'y ako mas maligaya na nagawa ko lahat ng tama sa tulong niya kahit..
Ako'y nag-iisa.
No comments:
Post a Comment