Saturday, August 31, 2013

Eiga Sai 2013

(pangalawang Parte.)

Kasamaang palad, di ako pinalad manood sa UP dahil kay Maring at isama pa ang mga inutos sa kin at kailangan gawin, at mga OT.. Di ako nakasunod sa UP film institute edisyon ng Eiga Sai. 

Bagama't sa ganitong pangyayari eh siyempre, may isa pang paraan, edi hanapin na lang dito sa internet! hehe

Always Sunset on Third Street part 2 - Habang iniscreen ko yun film, nahuli agad ako ng ganda ng cinematograpiya at 60's film setting na sobrang kuhang kuha, hanggang sa mga kotse.. Yun lang drama at maraming mga tauhan na kailangan sundan, pero mukhang maayos naman. Kailangan ko na lang siyang panoorin sa mga susunod na araw. Pero mukhang maganda naman at di sayang pag pinanood sa sine, kahit may bayad pa. hehe Ang tanong ba, kailangan ko ba panoorin yun part 1 at part 3? Ano to, Godfather? hehehe

Confessions - Nagulat ako na sa lahat ng film naka line up, eh eto yun stand out. Ibig ko sabihin dapat siya ang main feature ng festival. Nung subukan ko panoorin sa Shang, akalain mo sa sobrang haba ng pila, di ko na naabutan yun libreng ticket! hehe Mabuti, tama ang hula ko na masasama siya sa Eiga Sai pagkatapos ko siyang panoorin dito sa bahay. May suspense, high school drama at may pagkaduguan. hehe At magaling yun storya at may twist pa din hanggang huli. Hanggang ngayon iniisip ko, kung talagang pinatay ni Teacher ang nanay ng kanyang estudyante dahil sa paghihiganti? Mahirap sagutin pero masarap ulitin na panoorin. Kahit gusto ko yun Departures kasi sobrang dramatic at may puso.. Eto, iba yun thrill at shock value kung baga.. Mas gusto ko ito. hehe

Sana sa susunod na taon, alam ko ng advance yun schedule at wala sana aberya pagmanood na ko ulit. Sana Thermae Romae na palabas nila! hehe Or kung kaya, Saint young men, Ace Attorney, or yun mga bago ni Haruka Ayase. =) Key of Life din!!!

No comments: