Showing posts with label eiga. Show all posts
Showing posts with label eiga. Show all posts

Monday, February 29, 2016

Biri Gal

Hmmmm, aksidente ko lang napanood ito saka di ko trip yun gyaru, or kung baga blonde style na haponesa.. Yes, this film was about a simple high school girl na talagang wala na siya plano sa buhay lalo't wala naman nagsupport sa kanya. All she does, party in  a gyaru outfit with her friends and have fun. Very simple girl with not a very bright mind as well. Paano ba naman, eh yun klase nya patapon. hahaha

That will change ng ienroll si Sayaka ng kanyang ina sa cramming school. Gusto kasi ng nanay niya na magcollege at maging maayos buhay niya. Then lalo nagbago nung nakilala ni Sayaka ang sensei niya si Tsubota, na kahit akala mo may topak pero magaling na teacher pala at magaling magmotivate. hehe Siyempre some weak points, una eh it's a bit predictable sa huli kahit may kaunting suspense. Second one eh sana si Arimura Kasumi naka Biri Gal sya hanggang huli. Pero ok naman yun transformation niya as part of the story and change pero mas ok kung sa very last scene na lang siya nagpalit. 

Let me say, nung nakita ko yun first trailer, di ko trip talaga pero after I started to watch it aba, I got hooked! Very underrated film. Kaya pala sa Japan box office, bigla siya nag number one. First factor eh simple yet very inspiring. Remember si Sayaka, ang kahit senior siya sa HS eh yun utak pang grade 4 lang bago siya nag cram school. Tapos ayun, kahit walang support masyado sa family niya, at Nanay lang umaakay sa kanya, nagawa niya pa din magsucceed. By the way, yun goal niya eh makapasok sa Keio Uni. Grabe ang Uni entrance exam sa japan, kala mo bar exam! hahaha Kahit predictable kaunti sa huli eh, eh yun flow ng story, nagawa nila interesting. Isa pa, production settings, kahit ganito lang storya niya, maganda yun sounds saka yun cinematography niya. Lalo na yun shots na nagsnow na. Grabe, kahit mahirap mabuhay sa winter, mukhang masaya naman. hehe Saka yun locations na ginamit, kakatuwa lang.. 

Huli eh yun nagdala sa film.. The actors! Kahit yun actor na tatay ni Sayaka, na nakakabad trip sa una, biglang bawi sa huli! Nakakatouch yun ginawa niya. Even Yasuda Ken na bwisit na teacher role niya, nakakatawa kahit maiksi lang yun role niya. Siyempre lahat ng supporting roles, fit sa story.. Pero yun 3 main actors ang nagdala talaga. Si Ito Atsushi, galing niya as Sensei, kahit weird yun character niya, akalain mo magaling siya motivator. Kahit ayaw niya sa kanya yun student, di pa din siya sumusuko.. Ganun niya kagaling si sensei. Yun nanay naman ni Sayaka, played by Yoshida Yo.. Very underrated actress siya. Even sa Jdramas, ang galing niya, depende sa role lalo na sa age niya. Very ehem.. Surprising. hehe Di halata. Lalo na yun mga scenes na tinutulungan niya si Sayaka at yun nagpapagod siya pambayad sa cram school. Galing niya.. Siyempre ang huli, as Sayaka si Arimura Kasumi. Hmmm honestly, di ko siya type, even lagi ko siya nakikita sa mga jdramas or films. Payat niya, tapos yun face niya, very typical compared sa other stars. Pero nung nandito siya sa Biri Gal at acting niya, naging fan na ko. hehe Galing nung ginawa niya, lalo yun transformation ng character niya from brat to genius ha. Lalo na yun scenes na parang wala nangyayari sa kanya, siya na lang gumawa ng paraan kahit ayaw niya na.. Naportray niya ng tama as Sayaka saka yun chemistry nila ni Sensei panalo as student and teacher. 

I won't be surprised, baka itagalog pa ito dito or nasa Eiga Sai.. hehe Pero definitely, must see! Galing nung pagkabawi ni Sayaka lalo na sa huli. Kakainspire para sa mga students or people, who lose hope or dreams. Basta importante, may determination at siyempre, kahit ilang support lang.. Pwede na. =) 

You'll pass with flying colors in life indeed. hehe 

Saturday, August 31, 2013

Eiga Sai 2013

(pangalawang Parte.)

Kasamaang palad, di ako pinalad manood sa UP dahil kay Maring at isama pa ang mga inutos sa kin at kailangan gawin, at mga OT.. Di ako nakasunod sa UP film institute edisyon ng Eiga Sai. 

Bagama't sa ganitong pangyayari eh siyempre, may isa pang paraan, edi hanapin na lang dito sa internet! hehe

Always Sunset on Third Street part 2 - Habang iniscreen ko yun film, nahuli agad ako ng ganda ng cinematograpiya at 60's film setting na sobrang kuhang kuha, hanggang sa mga kotse.. Yun lang drama at maraming mga tauhan na kailangan sundan, pero mukhang maayos naman. Kailangan ko na lang siyang panoorin sa mga susunod na araw. Pero mukhang maganda naman at di sayang pag pinanood sa sine, kahit may bayad pa. hehe Ang tanong ba, kailangan ko ba panoorin yun part 1 at part 3? Ano to, Godfather? hehehe

Confessions - Nagulat ako na sa lahat ng film naka line up, eh eto yun stand out. Ibig ko sabihin dapat siya ang main feature ng festival. Nung subukan ko panoorin sa Shang, akalain mo sa sobrang haba ng pila, di ko na naabutan yun libreng ticket! hehe Mabuti, tama ang hula ko na masasama siya sa Eiga Sai pagkatapos ko siyang panoorin dito sa bahay. May suspense, high school drama at may pagkaduguan. hehe At magaling yun storya at may twist pa din hanggang huli. Hanggang ngayon iniisip ko, kung talagang pinatay ni Teacher ang nanay ng kanyang estudyante dahil sa paghihiganti? Mahirap sagutin pero masarap ulitin na panoorin. Kahit gusto ko yun Departures kasi sobrang dramatic at may puso.. Eto, iba yun thrill at shock value kung baga.. Mas gusto ko ito. hehe

Sana sa susunod na taon, alam ko ng advance yun schedule at wala sana aberya pagmanood na ko ulit. Sana Thermae Romae na palabas nila! hehe Or kung kaya, Saint young men, Ace Attorney, or yun mga bago ni Haruka Ayase. =) Key of Life din!!!

Wednesday, July 31, 2013

Eiga Sai 2013

(pato 1)

Ano ba, bitin!! hehe Well, I can only give 2 flicks that I was able to watch. Ituloy na lang sa August at UP film center, again! hehe By the way, mukhang masaya nga manood sa Shang for film fest, like last year sa France film fest. It's free, cozy and good screens. Problem, ayun mahaba pila to watch another free flick. Dahil dun, di ko napanood yun gusto ko! Ergh.. 

About her brother - Very dramatic story, how touching that the lead character, Ginko still helps her worthless, bothersome young brother until death. Sad it is but has a good story. I like the performances of the lead actress, her brother in the story despite that bothersome character, but deep inside just looking for love of a family. Of course, don't forget, Yu Aoi! The main reason I watched this film. She just don't age. hehe Grabe, ang ganda talaga niya. Magaling din naman yun role niya. Oh, kala niyo ganda lang ha. 

Rinco's Restaurant - Parang ang nawawala lang. hehe Eto naman, di siya nagsasalita kasi natrauma sa love, ayun dahil magaling maluto, Noriko built a restaurant which caters at least one customer lang. Of course, don't forget her eccentric mother and some friends. It's a weird fun story and despite yun ayoko ang di nagsasalita na character dahil sa trauma, natuwa naman ako. Of course, don't forget, Kou Shibasaki!! The Mitsuko chick in Battle Royale 1, which is my second fave character sa film. Akalain mo she became old but still looks like Mitsuko in a lighter and fun note. Wow.. Got to see her in Ronin 47!

Sa UP nga lang ako hahabol, I hope may sumama or better makapanood ng marami. 

pato 2 soon! =)