Monday, February 29, 2016

Biri Gal

Hmmmm, aksidente ko lang napanood ito saka di ko trip yun gyaru, or kung baga blonde style na haponesa.. Yes, this film was about a simple high school girl na talagang wala na siya plano sa buhay lalo't wala naman nagsupport sa kanya. All she does, party in  a gyaru outfit with her friends and have fun. Very simple girl with not a very bright mind as well. Paano ba naman, eh yun klase nya patapon. hahaha

That will change ng ienroll si Sayaka ng kanyang ina sa cramming school. Gusto kasi ng nanay niya na magcollege at maging maayos buhay niya. Then lalo nagbago nung nakilala ni Sayaka ang sensei niya si Tsubota, na kahit akala mo may topak pero magaling na teacher pala at magaling magmotivate. hehe Siyempre some weak points, una eh it's a bit predictable sa huli kahit may kaunting suspense. Second one eh sana si Arimura Kasumi naka Biri Gal sya hanggang huli. Pero ok naman yun transformation niya as part of the story and change pero mas ok kung sa very last scene na lang siya nagpalit. 

Let me say, nung nakita ko yun first trailer, di ko trip talaga pero after I started to watch it aba, I got hooked! Very underrated film. Kaya pala sa Japan box office, bigla siya nag number one. First factor eh simple yet very inspiring. Remember si Sayaka, ang kahit senior siya sa HS eh yun utak pang grade 4 lang bago siya nag cram school. Tapos ayun, kahit walang support masyado sa family niya, at Nanay lang umaakay sa kanya, nagawa niya pa din magsucceed. By the way, yun goal niya eh makapasok sa Keio Uni. Grabe ang Uni entrance exam sa japan, kala mo bar exam! hahaha Kahit predictable kaunti sa huli eh, eh yun flow ng story, nagawa nila interesting. Isa pa, production settings, kahit ganito lang storya niya, maganda yun sounds saka yun cinematography niya. Lalo na yun shots na nagsnow na. Grabe, kahit mahirap mabuhay sa winter, mukhang masaya naman. hehe Saka yun locations na ginamit, kakatuwa lang.. 

Huli eh yun nagdala sa film.. The actors! Kahit yun actor na tatay ni Sayaka, na nakakabad trip sa una, biglang bawi sa huli! Nakakatouch yun ginawa niya. Even Yasuda Ken na bwisit na teacher role niya, nakakatawa kahit maiksi lang yun role niya. Siyempre lahat ng supporting roles, fit sa story.. Pero yun 3 main actors ang nagdala talaga. Si Ito Atsushi, galing niya as Sensei, kahit weird yun character niya, akalain mo magaling siya motivator. Kahit ayaw niya sa kanya yun student, di pa din siya sumusuko.. Ganun niya kagaling si sensei. Yun nanay naman ni Sayaka, played by Yoshida Yo.. Very underrated actress siya. Even sa Jdramas, ang galing niya, depende sa role lalo na sa age niya. Very ehem.. Surprising. hehe Di halata. Lalo na yun mga scenes na tinutulungan niya si Sayaka at yun nagpapagod siya pambayad sa cram school. Galing niya.. Siyempre ang huli, as Sayaka si Arimura Kasumi. Hmmm honestly, di ko siya type, even lagi ko siya nakikita sa mga jdramas or films. Payat niya, tapos yun face niya, very typical compared sa other stars. Pero nung nandito siya sa Biri Gal at acting niya, naging fan na ko. hehe Galing nung ginawa niya, lalo yun transformation ng character niya from brat to genius ha. Lalo na yun scenes na parang wala nangyayari sa kanya, siya na lang gumawa ng paraan kahit ayaw niya na.. Naportray niya ng tama as Sayaka saka yun chemistry nila ni Sensei panalo as student and teacher. 

I won't be surprised, baka itagalog pa ito dito or nasa Eiga Sai.. hehe Pero definitely, must see! Galing nung pagkabawi ni Sayaka lalo na sa huli. Kakainspire para sa mga students or people, who lose hope or dreams. Basta importante, may determination at siyempre, kahit ilang support lang.. Pwede na. =) 

You'll pass with flying colors in life indeed. hehe 

No comments: