Sunday, February 28, 2016

Jdrama: Minna ESPer Dayo!

Yes, tama ang spelling niyan. The series was all about ESP abilities acquired by stupid people. hehe No kidding, talagang after 12 episodes of laughing and mayhem and sci fi crap plot eh yun lang maiisip mo. Pero let me say, I had a hard time laughing, parang bihira ako matawa sa jdrama pero.. Eto gross out, sexual explicit comedy. One of the best comedy na jdrama. Yun lang.. Grabe, panoorin niyo na lang, lalo na yun first half of the series, it was nuts. hahaha

Siyempre, di naman perfect at yes, naisip ko na parang sayang lang yun oras mo nung di nila naging comedy ito, napakapanget malamang nito. Ah unang flaw, yes the plot, lalo na yun patapos na.. Parang ganun lang nangyari at nakakabore, mabuti nangyari patapos na yun series. Weird plot lalo na yun mga last 2 episodes. It doesn't make any sense. hehe Yes, yun second half of the series, kung ano kinakwela at kagaling nung first half, nawala sa second half pero may mga nakakatawa pa din pero not all through out.

Another thing, may characters dun na parang pwede tanggallin or sana inayos nila para di sayang ang screen time. hehe Namely, yun crush ni Yoshiro na si Sae, yung Naoya, na wala naman ginawa kung hindi umikot at tumitig sa blank space. hehe Kasi yun ability na ESP parang xray vision. At last character, Takako, na walang ginawa kung hindi, basta tignan niyo na lang. hahaha Saka may mga kalaban sila na walang ginawa matino. hehe Yun lang naman flaws, pero major.

Eto na, bakit siya masaya? Una, grabe yun mga jokes, or sexual jokes.. hehe Pang manyak na naman.. Malalaman niyo na lang if you watch it and why they got the powers.. One great example, yun power ni Teru san.. Basta kung paano niya gamitin yun ESP niya, dun ka matatawa. Unang episode pa lang, grabe na. Di lang siya, marami pa.. Even yun favorite ko power, na kay Yoshiro. Telekinetic lang naman. hehe Isa pa nagpanalo dito, siyempre Sono Sion lang naman ang direktor ng series so expect, I mean like his films, fast past, spontaneous, weird pero fun! Tame down nga lang kasi sa TV. Partida. Sana gawa pa siya ng maraming TV shows. hehe Saka yun script na ginawa nila, sobrang simple pero masaya.. Madaming scenes na I can't tell, na sobrang di lang funny pero masaya. Yun fave episode ko, yun si Suzunosuke episode. Di lang nakakatawa, heart warming pa. =)  Galing, nakakatouch siya.

Lastly,  yun actors sa series, I can't believe, maraming magaling. Halos lahat magaling, honestly di ko lang nadiscover si Kaho. Ang hot niya dito. hehe Pero magaling din siya as actress and siyempre ang nadala, Sometani Shota! Grabe siya dito, ang galing niyang actor at matindi, bata pa siya. Perfect sa kanya yun role. Saka yun ibang actors, Yasuda Ken, yun parents ni Yoshiro na talagang, nakakatawa. hehe Tapos yun support din, saka yun pinakafavorite ko support na artista, Makita Sports.. Grabe siya dito, di ko alam kung paano niya, basta, nakakatawa siya talaga. hahaha Tenga! Don't forget tenga.. Mayroon kaya nun dito? hehe How does it works? hahaha

Kahit di lahat ng episodes eh ok, lalo na yun mga last episodes, yun fun factor talaga nagdala dito. Kahit kinda sexual yun theme niya eh di naman like yun lang nagdala sa jdrama. It's more from actors and crew na din at siyempre effort. Kaya panalo talaga ito at recommend it. Surprisingly, may film nito last year na inulit lang yun story with some changes sa actors. Kinda wait for it.

Kung ako si Yoshiro, bakit pa ako magfofocus sa isang girl with that power? It's time to pick and pick then select!!!!! =)

No comments: