Hmmmm may pinuntahan kasi ako sa Boni, which alam niyo na. Hehe Just want to check it out kasi nag email eh. Well, dahil nasubukan ko na yun Pasig FX puntang Manda tapos trike, eh naisipan ko gamitin naman yun BEEP card ng MRT na maayos naman. Reloadable kasi.. Pero pag punta ko ng 8:00 am sa MRT EDSA, anak ng tokwang pila, hanggang sa labas!!! Sabi ko, mas matagal pa yun pila na to kaysa sumakay ako MRT! Edi, try another route.. Naisip ko magFX kaso wala naman aabot dun.. Naisip ko bigla magbus!
Wala ako masakyan na air-con na bus at cubao Ilalim na sign. Naisip ko sumakay na lang na bus basta may boni ibabaw. hehe At ayun naman, nakasakay ako, siyempre sa una tayo muna at tiyaga sa Air-cool na bus. hehe Tapos, eto na, nakaupon na ko at ang journey to trapik begins.. Kamuning pa lang, grabe ang pila ng mga sasakyan. Parang wala ka na malulusutan! Parang mali ata diskarte ko. hehe Tapos siyempre Nepa Q Mart na at napakabagal.. At ayun na, siyempre dahil Cubao Ibabaw, di ko na alam kung aabot ako 9am dun sa boni. Di na ko umaasa. Tingin tingin na lang sa paligid at maka sight seeing nga. hehe Well, grabe, mabuti na lang di ako nagwowork sa mga ganun route, like Ortigas or Manda o kahit Makati na EDSA ang daan?
MRT grabe pila, tapos EDSA, kailangan maaga ka or daan ka ng maraming shortcut. Kaso pag nag C5 ka, boni serrano pa lang, kala mo prosisyon. Di ka naman pwede mag Nagtahan kasi sa pesteng road works at skyway project.. Wala na, ubos ang oras mo, unproductive time na di naman bayad dahil sa trapik. Kung maaga ka naman aalis, ano naman gagawin mo sa sobrang extra hours na nakapasok ka ng maaga? Nganga na lang? hehe Well, mga 20 mins nasa Aurora ave. Edsa na ko at di pa nakatawid. Good job ang bus. Tapos another 15-20 mins gumagapang yun bus from Aurora, tapos sa Sogo/MRT station hanggang P.Tuazon. From P. Tuazon puntang Boni Serrano mga 15 mins na mabuti na lang ang bus nag flyover dun kasi baka 30 mins na naman kami abutin dun.
Nakakatawa, after mga time na yun, pag daan sa GH, aba sa right side, I mean Ortigas Ilalim, maluwag na!!! Tama yun estimate ko. hehe Tapos kala ko yun Shaw ibabaw, eh grabe trapik, maraming tao pero mabilis na yun bus puntang Boni. Ayun, 9:30 am na ko nakarating. Kala ko nag LP ako or tagaytay. hahaha Unfortunately, ayun na. Wala din nangyari sa pinuntahan ko pero ok lang. Hahaha I don't want to waste more effort. Anyway, mas mahaba yun abang ko sa Cubao than the meeting itself.
Anyway, umuwi ako thru MRT at siyempre, mas madali. Ayos di ba..
So, ano dapat gawin para di naman Forever ang trapik? Marami dapat gawin ang gobyerno natin pero nasa kanila na lang yan. Grabe, parang wala na silbi ang traffic enforcer, MMDA, kahit maraming tren ang MRT at lalo na yun special lane ng Bus puntang Makati. It's hopeless, at sana nga ginawa ko na lang yun dating route ko kaysa nag EDSA ako. Yun subway naman, sana sa EDSa na lang din ginawa di pa north. hehe Or well, another shortcuts avaialble. Tama nga naman sabi nun mga analysts eh, may great economic growth nga tayo kaso di naman kaya lahat sa NCR at kita naman yun sa EDSA di ba? Kung lahat ng cities may CBD, di naman ganyan ang trapik sa EDSA. Ala naman BGC na napakahirap puntahan, paglabas mo trapik pa. Good job! hahaha
Well, all not lost sa problem na to at sana yun susunod na presidente natin may concrete solution dito. Sana lang, long term ha.
Ok naman EDSA pag walang trapik, gaya pag Sunday. hehe Kung ganun ba araw araw, aba kahit saan pa work ko at pupunta ako sa south na walang problema, why not di ba?
Kaso for now, parang forever ang trapik dito EDSA. Forever and ever... =(
No comments:
Post a Comment