(Grace Poe is our President)
Siguro laking panghihinayang niya nung madisqualify sana siya from the elections. But her luck is not running out! hehe Siyempre I'm not voting her. Definitely not! Over my dead body. hahaha I don't know, the only thing I liked about her was the feeling she got na sumakay sa MRT na rush hour. Yun lang. Pero yun iba niya ginagawa, di pa ko bilib saka grabe, riding the wave of her popularity with the help in showbiz pa.
Naisip ko pag siya na yun nagkatayo sa podium, di ko pa din maiisp na siya presidente na tin. Alam ko magagawa niya magaling, PR and delivering speeches. Pero yun mga gagawin daw niya, malamang di niya magagawa at higit sa lahat, she'll do worse than Pnoy. I'm not saying it's because she is a woman but yun mga dumidikit sa kanya mga pulitiko, parang marami siyang bibigyan pabor pag nanalo. hahaha Mas marami pa kaysa kay Erap o yun ibang naging presidente. New look and younger trapo kung baga..
Kahit maganda yun platforms niya, di ko alam kung magagawa niya with her weak will. She has strong presence and good personality pero sa dami at di matapos na problema, eh di siya kailangan natin. Siguro si Chiz, maniniwala ako at may prinsipyo, baka nga panay tanong niya siguro kay Chiz pag nanalo. hahaha Di ko alam, basta tama sabi nila, hilaw pa siya.. Di pa niya kaya yun stress na haharapin niya. Sa pagiging senador nga lang, paganda lang ang alam. Naman.. Well may magagawa siya sa pagiging presidente, more international PR and maayos na image lang siguro. Pero sa tingin ko, malabo tayo uusad niyan. Geez.. Pustahan tayo, mauungkat pa yun nangyari sa tatay niya. Ganyan naman lagi. Yun ang pinaka ayaw ko, may presidente na naman tayo na dahil may malakas na political allies eh nakakalibre na naman sa pagiging presidente.
Ano ba, pangatlong presidente na naman na kung hindi anak ng presidente, eh yun anak na best friend na dating presidente na natalo. Nakasimpatiya at hanggang ngayon, grabe mga tao, di pa din natuto. Kahit sabihin ba anak siya ni ganito o napakalapit siya kay ganito, di naman sigurado na siya din ang bunga..
Grabe, kahit ako, may mga qualities na parang erpat ko pero mas maraming pa din qualities na natutunan ko o nakuha ko lang sa ibang tao. Hay, kung siya presidente, kahit babaan niya ang income tax whatever..
Di pa din ako maniniwala sa kanya. Wag na tayo maniwala masyado sa kung ano ang itinanim, siya din ang bunga.
Sa halaman lang nangyayari yun.
No comments:
Post a Comment